Bantay OCW Archives | Page 45 of 49 | Bandera

Bantay OCW Archives | Page 45 of 49 | Bandera

Matutong gumawa ng listahan ng gastusin

NOONG 2013 ay halos puro kawalang pinansiyal na suporta o non-support ang kasong inilapit sa Bantay OCW. Halos araw-araw ay ito ang kasong idinudulog sa atin ng mga asawang babae ng ating mga OFW. Meron na nabawasan ang suporta, o di kaya’y pumaly, o kaya ay tuluyan nang di nagpadala. Maraming dahilan ang mga OFW, […]

Si mister na sa abroad, pero si misis pa rin ang kumakayod

MULING bumalik sa Bantay OCW si Gina Octubre, maybahay ng OFW sa Dubai, United Arab Emirates, upang humingi ng karagdagang tulong. Una siyang lumapit sa atin noong Abril 2013 para sa mister na di tiyak ang kalagayan sa ibayong-dagat. Inaasahan kasi ng kanilang pamilya na pauwi na ito noon pang 2009 subalit nakalipas na ang […]

Kontrata palaging di nasusunod

SIMULA noong 2008 malimit hindi natatapos ni Bernabe Patilano ng Nueva Ecija ang kaniyang kontrata sa isang recruitment agency na naghanap ng trabaho para sa kanya patungong Qatar. Madalas tatlo hanggang limang buwan lamang ang kaniyang pinipirmahang kontrata bilang pipe fitter sa pagshut-down ng mga planta sa ibang bansa. Dahil ikli ng kontrata, napapauwi agad […]

Hinaing ng iniwang asawa ng OFW

ISA sa mga patok na gamit ng teknolohiya ngayon ay ang cellphone, at hindi maitatanggi na halos lahat ay meron nito. Masasabing isa nga ito sa pinakamabilis na paraan ng komunikasyon sa panahon ngayon. Ngunit, sa dami nga ng gamit nito, minsan ito ang nagiging dahilan ng di pagkakasunduan ng mag-asawa. Isang maybahay ang luhaang […]

Mister di mahagilap

ISANG nag-aalalang maybahay ng OFW mula pa sa Tacloban ang nagpadala ng email sa Bantay OCW matapos ang matinding trahedyang pinagdaanan nila dahil sa bagyong Yolanda. Narito ang laman ng kaniyang sulat: “Dear Susan: I am thankful for having crossed your column Bantay OCW when I was in my most desperate moments. I am a […]

Unlimited contract, me ganoon?

ISANG tawag mula sa Bulacan ang natanggap ng Bantay OCW sa Inquirer Radio 990 AM. Ayon kay Fernando Buan, nais niyang ilapit ang problema ng kaibigang si Mary Grace Pantaleon na kasalukuyang minamaltrato sa Al Khobar, Saudi Arabia. Barista ang orihinal na trabahong pinirmahan sa kontrata ni Mary Grace, ngunit naging kasambahay ng kanyang employer. […]

Sa tiyahin na kapwa OFW nakaranas ng pananakit

UMIIYAK na ikinuwento ni Kristina na taga-Aklan ang kanyang mapait na karanasan sa abroad. Nagtungo si Kristina sa Bantay OCW sa Inquirer Radio 990 AM kamakailan at inilahad ang nangyari sa kanya sa Qatar. Kuwento niya ay dalawang taon lamang ang kontrata ng trabaho pero umabot ito sa mahigit na apat na buwan dahil kulang […]

Terminated OFW sa Saudi Arabia

BIGYANG daan po natin ang liham na ito mula sa OFW na nasa Saudi Arabia. “Isa po akong OFW dito sa Riyadh, KSA. Sultan Al Fouzan ang company ko at Concept Placement Resources Inc. ang agency ko sa Manila. Tulungan niyo po ako Ma’am. Tinerminate po ako ng amo ko, 2 buwan na po akong […]

Ipit sa Saudization

NAKAUSAP ng Bantay OCW si Eden Laylo ng Batangas hinggil sa problema ng kapatid niyang OFW na si Marife mula sa Saudi Arabia. Nabigyan ng amnesty si Marife at naideport siya pabalik ng bansa. Hindi na niya nakita ang anak at ama ng bata dahil mula ‘anya sa kulungan, escorted pa ito ng mga pulis, […]

Natakot sa Saudization

NAKAUSAP natin sa pamamagitan ng linya ng telepono si Ariel Libre ng San Carlos, Negros Occidental, asawa ng OFW na si Jenny Lynn Madrazo Libre, household service worker sa Riyadh, Saudi Arabia. Dalawang buwan pa lang doon ay gusto na raw umuwi ni Jenny Lynn. Nang tanungin natin kung ano ang dahilan, kuwento ni Ariel […]

Di maarok na pagmamahal ng ina sa anak

WALANG patid ang pag-iyak ni Ginang Elena Aurestela nang isalaysay nito sa Bantay OCW ng Radyo Inquirer 990AM ang sinapit ng anak nitong si Margareth Filamor, isang household service worker sa Saudi Arabia. Bagaman labag sa loob niyang payagan ang anak na tumulak sa ibang-bansa, lalo pa’t batid nito ang mga problemang kinakaharap ng mga […]

Previous           Next
No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending