Si mister na sa abroad, pero si misis pa rin ang kumakayod | Bandera

Si mister na sa abroad, pero si misis pa rin ang kumakayod

Susan K - January 10, 2014 - 03:00 AM

MULING bumalik sa Bantay OCW si Gina Octubre, maybahay ng OFW sa Dubai, United Arab Emirates, upang humingi ng karagdagang tulong.

Una siyang lumapit sa atin noong Abril 2013 para sa mister na di tiyak ang kalagayan sa ibayong-dagat.

Inaasahan kasi ng kanilang pamilya na pauwi na ito noon pang 2009 subalit nakalipas na ang halos limang taon, hindi pa rin umuuwi ang OFW.

Matapos maireport ang kasong ito, nakipag-ugnayan ang Bantay OCW sa mga kinauukulan at sa OFW mismo, kung kaya’t muling nagkaroon ng komunikasyon si Gina sa kaniyang asawa na naroroon sa United Arab Emirates.

Kusa nang nakipag-ugnayan si mister kay misis at muling nagpadala ng buwanang suporta sa pamilya.

Hindi nagtagal, nagbalik si Gina sa atin at sinabi na balik sa dati na naman ang mister.

Huling nag-usap ang mag-asawa noong Oktubre 25, 2013.

Bukod sa hindi sapat ay hindi rin regular kung magpadala ng financial support ang mister sa pamilya. Meron silang tatlong anak na pawang mga menor-de-edad.

Dahil hindi nga nagpapadala ng maayos si msiter, huminto na sa pag-aaral sa kolehiyo ang panganay, at napilitan na lamang magtrabaho upang tulungan ang ina.

Ayon kay Gina, kahit anong maaring pagkakitaan na negosyo ay pinapasok niya para maitawid lamang ang pang-araw araw na mga gastusin ng pamilya.

Sumasala na rin sila sa pagkain, at kung minsan ay hindi na pumapasok sang mga bata sa eskwela dahil walang baon.

Bakit nga ba hindi sumasapat ang kita ni mister sa Dubai? Bakit si Gina pa rin ang kumakayod para sa pamilya?

Ayon kay Gina baon sa utang sa credit card ang asawa at sa kapatid niya.

Ngunit dagdag ni Gina, hindi man umaamin ang mister, ang lakas ng kutob niyang may iba nang pinagkakaabalahan ang asawa at may iba nang pamilya ito sa Dubai.

Kaya natitiis nitong hindi makita ang mga anak ng kahit gaano katagal.

Pinagawa namin si Gina ng buwanang gastusin ng pamilya upang iyon ang magsisilbing basehan ng Bantay OCW sa muli naming pakikipag-usap sa kaniyang mister. Sinubukan namin siyang tawagan ng ilang beses, ngunit hindi namin siya ma-contact.

Ipinaliwanag rin natin kay Gina na kung sakaling baon nga sa utang sa credit card si mister, malaki ang kahaharapin nitong kaso sa Dubai dahil kinakasuhan doon ang sinumang nagpapabaya sa kanilang obligasyon may kinalaman sa pagkakautang.

Nakikipag-ugnayan rin ang Bantay OCW sa tanggapan ng Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) upang malaman ang estado ng kaniyang hiniling na scholarship program para sa kanilang mga anak kasabay ding pinayuhan natin si Gina na pakunin rin ng Technical-Vocational courses sa TESDA ito upang maging skilled worker na magagamit niya sa kaniyang pagtatrabaho sa hinaharap.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Pinayuhan natin siyang maging praktikal dahil sa kalagayan nila ngayon. Kung ano ang mas mabilis na pagkakakitaan, iyon na muna ang dapat ipakuha sa kanilang anak, dahil makakatulong na muna ito sa paghahahanapbuhay habang nagpapabaya naman si mister sa kaniyang obligasyon sa pamilya.
Si Susan Andes a.k.a Susan K. ay napapakinggan sa Radyo Inquirer dzIQ 990 AM, Lunes – Biyernes, 10:30 am-12:00 noon, audio/video live streaming: www.dziq.am. Mapapanood sa PTV 4 tuwing Martes 8:00-9:00pm. Helplines: 0927.649.9870 / 0920.968.4700

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending