Uncategorized Archives | Page 4 of 59 | Bandera

Uncategorized

Presidente ng Mali nagbitiw sa pwesto

Inanunsyo ni Malian President Ibrahim Boubacar Keita ang pagbibitiw niya sa pwesto. Ginawa ng presidente ang anunsyo sa isang televised speech ilang oras matapos mag-kudeta ang mga sundalo ng Mali at dinampot sa bahay ang presidente at saka ikinulong. Mahigit dalawang buwan nang may nagaganap na mga demonstrasyon sa Mali na nananawagan ng pagbaba sa […]

#SanaAll: Taylor Swift napa-WOW sa cake na gawa ng Pinoy fan

  NAKARATING na sa award-winning American singer na si Taylor Swift ang viral cake na pinagpagurang gawin ng kanyang Filipino fan. Puring-puri ng international singer si John Paul Cledera na siyang nag-bake ng cake na may frosting na inspired sa singer-songwriter latest record na “Folklore.” Sa Twitter, ipinost ni John Paul ang regalo niya sa kanyang […]

2 wanted arestado sa QC

DALAWANG lalaki na wanted umano sa magkakahiwalay na kaso ang naaresto sa Quezon City. Si Jeff Lester Evangelista, 29, construction worker at ng Brgy. Sto Domingo, ay number 6 umano sa Most Wanted Persons list ng Police Station 1 ng Quezon City Police District. Siya ay inaresto sa bisa ng warrant of arrest na ipinalabas […]

Pagrehistro ng online seller ipagpaliban

SA dami umano ng kinakaharap na problema ng bansa, hindi umano ang pagpaparehistro ng mga maliliit na online seller ang dapat na atupagin ng gobyerno. Ayon kay Quezon City Rep. Anthony Peter “Onyx” Crisologo ang nais ng Bureau of Internal Revenue na magparehistro ang lahat ng online sellers ay nagsisilbing pahirap sa marami. “Let us […]

Nagpakamatay na OFW isang paalala

ANG pagpapakamatay ng seafarer na si Maria Jocson ay dapat umanong magmulat sa pangangailangan na pangalagaan ang mental health ng mga overseas Filipino workers. Ito ang sinabi ni Labor Sec. Silvestre Bello III kasabay ng pakikidalamhati nito sa pagpanaw ni Jocson na nagpatiwakal habang naghihintay na makauwi sa bansa. “We share the grief of the […]

Reklamo sa online transactions lumobo noong ECQ

LUMOBO ang bilang ng mga reklamo sa online transactions sa panahon ng enhanced community quarantine, ayon sa Department of Trade and Industry (DTI). Sa virtual hearing ng House committee on trade and industry kahapon, sinabi ni DTI Undersecretary Ruth Castelo na mula Abril hanggang Mayo ay 8,059 ang bilang ng mga reklamo na kanilang natanggap. […]

Proteksyon vs manlolokong online seller umusad na

PINAPLANTSA na ng House committee on trade and industry ang panukala na magbibigay ng proteksyon sa mga kustomer na naloloko ng mga online seller. Sa virtual hearing ng komite, tinalakay ang House bill 6122 ni Valenzuela Rep. Wes Gatchalian na naglalayong magtayo ng eCommerce Bureau na mangangasiwa sa mga internet transactions upang maproteksyunan ang mga […]

3 pugante todas

NASAWI ng tatlo sa apat na preso na tumakas sa Masbate Sub-Provincial Jail. Ayon sa pulisya, nanlaban umano ang mga pugante sa mga otoridad na nagkasa ng manhunt operation. Ang apat ay may mga kasong panggagahasa, pagnanakaw at pagpatay. Natuklasan ng mga jail guard na wala ang apat na preso nang magsagawa ng head count. […]

Previous           Next
What's trending