B-day party ni Tim Yap sa Baguio iniimbestigahan, pati pagsali sa Igorot dance inireklamo | Bandera

B-day party ni Tim Yap sa Baguio iniimbestigahan, pati pagsali sa Igorot dance inireklamo

Ervin Santiago - January 27, 2021 - 09:26 AM
NABAHIRAN din ng kontrobersya ang birthday celebration ng TV host-eventologist na si Tim Yap matapos ireklamo ng ilang concerned citizens sa Baguio City.

Iniimbestigahan na ngayon ng mga otoridad ang pagdiriwang ni Tim ng kanyang 44th birthday noong Jan. 17, 2021 sa isang kilalang lugar sa Baguio.

Naglabas ng official statement ang Department of Tourism Cordillera Administrative Region (DOT-CAR) hinggil sa isyung ito at sinabing tinitingnan na nila kung may mga naganap ngang paglabag sa ipinatutupad na safety at health protocols.

“The DOT Cordillera Administrative Region ( DOT-CAR) is currently investigating the reported party at a DOT-accredited accommodation establishment in Baguio City. A Notice to Explain has already been issued to the establishment,” ayon sa DOT-CAR.

Nag-ugat ang reklamo sa naglabasang litrato at video sa social media kung saan makikitang walang suot na facemask ang ilang mga bisita at hindi rin nasunod ang social distancing.

Kinuwestiyon din nila ang pagsasayaw ng traditional Igorot dance ng TV host nang walang suot na facemask. Pati nga ang pagsusuot ni Tim ng traditional attire ng mga kababayan nating Igorot ay hindi rin nila nagustuhan.

May isa pang litrato na naka-post sa socmed na kuha sa party ni Tim kung saan makikita si KC Concepcion na balitang isa sa mga celebrities na dumalo rin sa event.

Samantala, ipinagdiinan naman ni Tim na sinunod nila ang lahat ng protocol bago nagtungo sa Baguio.

“Alam po natin na ang Baguio is napaka-strict sa kanilang protocols and they will not allow anyone na umakyat ng Baguio na positive,” aniya sa panayam ng ABS-CBN. Siniguro niya na lahat ng nasa party ay negative sa COVID-19 at may mga permit sila mula local government.

At sa issue ng pagsusuot ng face mask, “Dahil nga dinner, buffet, kakain na sila so tinanggal nila maskara nila. Pagkatapos noon, pumasok ‘yung mga dancers na mag-community dancing, so hindi nila nasuot mask nila. Sumayaw sila doon kaya ‘yun ang nakikita natin na kumakalat sa social media.”

Paliwanag pa niya, “Ang pakay po noon is to promote Baguio as a destination. Sa akin, yun ang hangarin ko talaga. Para mag-push ng local tourism. Kung makikita mo social media ko, lahat talaga, ‘yun ang ginagawa ko for the past few months. I’m discovering and rediscovering iba’t ibang parte ng Pilipinas na sana ma-discover ng ating mga kababayan.”

Dagdag pa niya, “It was never my intention to offend anyone. I would never do anything na makaka-endanger kahit sinuman. And siyempre kapag lahat kayo negative, you feel safe with each other.

“Siguro nagkulang ako na paalalahanan na magsuot ng mask dahil may lumabas na mga litrato at mga videos na walang mask. Again, I would never endanger anyone,” aniya pa.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Tungkol naman sa isinasagawang imbestigasyon ng mga otoridad, “Kung ano kailangan gawin, nandito ako para mag-cooperate.”

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending