Philmar pinaiyak ni Andi: My kids are very lucky to have you as their papa!
HINDI napigilan ni Philmar Alipayo ang maiyak nang mabasa ang tagos sa pusong nilalaman ng sulat mula sa kanyang fiancee na si Andi Eigenmann.
Ramdam na ramdam ng netizens ang sobrang pagmamahal ng champion surfer kay Andi sa naging reaksyon nito matapos basahin ang nasabing letter.
Sa bagong vlog na ipinost ni Andi sa YouTube, mapapanood ang kanyang pregnancy journey, mula sa pagbubuntis hanggang sa maipanganak ang second baby nila ni Philmar — ang little island baby na si Koa.
At habang nanganganak nga ang aktres, busy naman si Philmar sa pag-video sa mga kaganapan. Sa isang bahagi ng vlog makikitang may binabasa siyang liham na mula nga sa kanyang partner.
Sey ni Philmar, may ipinakuha sa kanyang libro si Andi mula sa isang drawer kung saan nga niya nakita ang isang card na may nakasulat na “Papa”.
“I’m taking this opportunity to write (him) some notes in this pretty card,” sey ni Andi sa isang video clip na ni-record niya bago manganak.
“Mahal, here we go again! Hope you are as happy as I am that our baby is on the way. Thank you so much for everything!
“Thank you for always being by my side, for being my biggest support, for helping me to be strong and brave, and for inspiring me to be the best parent I can be to our kids.
“I am the happiest since you asked me to be yours forever and to be your partner in life, as we go through this experience with you.
“My kids are very lucky to have you as their papa. I love you!” ang nilalaman ng sulat ni Andi para kay Philmar.
Natulala at napaupo si Philmar matapos basahin ang letter. Ilang sandali siyang napahinto at bigla na lang naluha sabay punas sa kanyang damit.
Sa isang Instagram post ng surfer, ibinahagi niya ang nararamdaman sa pagsilang ni Baby Koa kalakip ang super cute na litrato nito.
“I’m over the moon to have you in my life nak! So happy and excited to welcome you in our family. Also so happy to have another boy in our family to help me love and take care of the girls,” aniya sa caption.
Isinilang ni Andi si Baby Koa noong Jan. 17, ang ikatlo niyang anak. Ang panganay niyang si Ellie ay anak nila ni Jake Ejercito habang si Lilo naman ang unang anak nila ni Philmar.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.