Lani kailangan nang gumamit ng hearing aid; biglang lumobo dahil sa steroids

Lani kailangan nang gumamit ng hearing aid; biglang lumobo dahil sa steroids

Ervin Santiago |January 13,2021
share this

Lani kailangan nang gumamit ng hearing aid; biglang lumobo dahil sa steroids

Ervin Santiago | January 13,2021 - 03:24 PM

GUMAGAMIT na ngayon ng hearing aid ang Asia’s Nightingale na si Lani Misalucha matapos mabingi dulot ng pagkakaroon ng bacterial meningitis.

Ayon sa OPM icon, kinailangan niyang gumamit ng hearing aid para mas maging malinaw ang pandinig niya lalo na ang kanyang right ear na napuruhan matapos tamaan ng nasabing bacteria.

Ibinahagi ito ni Lani sa kanyang Instagram account kung saan nabanggit din niya na mas malala raw ang nangyari sa asawa niyang si Noli na tinamaan din ng bacterial meningitis last year.

“I believe some of you already know about what happened to me and to my husband. Nagkaroon kami ng bacterial meningitis nung October. We are okay naman ngayon.

“But the problem is ‘yung bacterial meningitis na ‘yan ay iniwanan kami ng souvenir.

“At ang souvenir na ‘yon ay — hearing loss at vestibular dysfunction. Like every single day mayroon kaming hilo sa ulo. ‘Yung konting movement ng head, ‘yung ganyan super nakakahilo na ‘yan,” kuwento ng “The Clash” judge sa kanyang IG video.

Pagpapatuloy pa niya, “Ako ang right ear ko ang bingi and ‘yung left ear ko ay medyo nakakarinig. Pero ang malala talaga na bingi is si Papa Nolz.”

Makikita rin sa video kung paano ginagamit ni Lani ang kanyang hearing aid na hindi naman daw masyadong visible kapag nakasuot na sa kanyang tenga.

Kasunod nito ay muli siyang nagpasalamat sa lahat ng nag-message sa kanya at nagdasal para sa complete recovery nilang mag-asawa.

“Guys, maraming-maraming salamat sa inyong lahat na nag-offer ng kanilang prayers and thank you so much for your love and support. I love you guys,” pahayag ni Lani.

Bago ito, nag-post din ang singer sa  Instagram ng una niyang selfie photo para sa taong 2021. Dito inamin din niya na medyo lumobo siya nitong mga nakaraang buwan dahil sa pag-take ngvsteroids para sa “inflamed nerves” sa kanyang  brain.

“Matagal din na lumobo ang mukha ko (pati na rin katawan) dahil sa matagal na pag-take ko ng steroids para sa inflammation sa nerves ng brain ko.

“Kaya pagpasensyahan n’yo na ang first fekture of the year ko dito sa IG bilang lumiit na ng konti ang mukeels ko,” ani Lani sa caption.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending