Ai Ai makikipag-collab kay Angelica: Join ako sa live-selling!

Ai Ai game makipag-collab kay Angelica: Join ako sa live-selling ni Madir

Ervin Santiago - September 15, 2024 - 07:27 AM

Ai Ai game makipag-collab kay Angelica: Join ako sa live-selling ni Madir

Ai Ai delas Alas at Angelica Yulo

GAME na game makipag-collab ang Comedy Queen na si Ai Ai delas Alas sa kontrobersyal na nanay ni Carlos Yulo na si Angelica Yulo.

Nag-viral ang Kapuso star kamakailan dahil sa pagbibigay niya ng opinyon sa pagtawag umano ni Carlos ng “magnanakaw” sa kanyang nanay dahil sa usaping may kinalaman sa pera.

Bukod dito, nagsalita rin ang beteranang komedyana tungkol sa ginawang pag-epal ng girlfriend ni Caloy na si Chloe San Jose noong kasagsagan ng laban at pagkapanalo ng binata sa 2024 Paris Olympics.

Baka Bet Mo: Ai Ai rumesbak sa mga bashers matapos mag-guest sa ‘It’s Showtime’

Sa pakikipagchikahan ng showbiz press kay Ai Ai sa presscon ng “The Clash 2024” kung saan muli siyang uupo bilang isa sa mga judge, natanong ng BANDERA kung ano ang feeling niya na marami ang kumampi sa naging pahayag niya about the Yulo family pero may nga nam-bash din.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)


Sey ni Ms. Ai, relate much daw kasi siya sa pinagdaraanan ni Angelica Yulo dahil nanay din siya at nasasaktan siya kapag may mga inang nakararanas ng hindi maganda dahil sa mga anak.

Muli ngang na-bash si Ai Ai nang magkomento siya sa Facebook tungkol sa pagla-live selling ng nanay ni Carlos kung saan nangako siyang bibili ng paninda ni Angelica kapag nag-online selling uli ito.

Bukod dito, payag din daw siyang makipag-collab kay Angelica sa live selling.

Baka Bet Mo: Ai Ai sa pagiging single mom noon: Isa ‘yun sa pinakamahirap na moment sa buhay ko!

“Bibili talaga ako sa kanya. Team nanay kasi ako and whatever it is, kung anuman kaguluhan sa pamilya nila, ang nanay ay nanay. Pera lang ‘yun , pero mahirap manganak at hindi mababayaran ang pagluwal sa ‘yo,” pahayag ni Ai Ai.

Kuwento pa niya, nahanap na raw ng kaibigan niyang pari na si Fr. Allan si Angelica Yulo at plano nilang puntahan ang nanay ni Caloy pa siya mismo ang tumulong sa pagla-live selling nito.

“Gusto kong makipag-collaboration ng live selling sa kanya. Sasabihin kong ilabas niya lahat ang mga t-shirt na ibebenta niya, pati mga pampaputi. Nagsabi na nga ang mga faney ko na naging barkada ko na sa kanila ang sabon na orange, pampaputi ‘yun.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)


“Tatalakan ko ang mga hindi bibili sa live selling namin. Masaya ito at abangan nila. I-game natin ang collaboration ng live selling namin ni madir,” masayang chika pa ni Ai Ai.

Hirit pa niya, “Naku, pag-uusapan na naman ako nito dahil kay madir. Pero  ipaglalaban ko pa rin na team nanay ako kahit away-awayin pa ako,” aniya pa.

Samantala, umuwi uli ng Pilipinas si Ai Ai mula sa San Francisco, California kung saan na siya naka-base kasama ang asawang si Gerald Sibayan, para sa “The Clash 2024.”

“Parang baby na namin ‘to. Original ito ng GMA, hindi franchise at Filipino made, kaya mahal na mahal namin. At nagpapasalamat ako dahil nandito pa rin ako as member of the Clash panel,” aniya.

Isa raw sa mga experience na hindi niya nalilimutan hanggang ngayon sa show ay nang may hinimatay na contestant nang matalo ito sa laban, bukod pa sa nahimatay na nanay ng isa pang contestant.

Nagsimula na kahapon, September 14, 7:15 p.m. ang “The Clash 2024” sa GMA 7 mula pa rin sa direksiyon ni Louie Ignacio.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Bago rin ang set ng “The Clash 2024” studio at abangan ang mas nakakalokang twist and turns sa all-original singing competition ng GMA.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending