Mon pinaratangang magnanakaw: Joke pero nakakasira ng tao?

Mon Confiado pinaratangang magnanakaw: Joke pero nakakasira ng tao?

Reggee Bonoan - August 09, 2024 - 03:48 PM

Mon Confiado pinaratangang magnanakaw: Joke pero nakakasira ng tao?

TAHIMIK na tao ang award winning actor na si Mon Confiado at wala kaming nabalitaang may nakasamaan ito ng loob sa mga ka-trabaho o sinuman sa industriyang ginagalawan niya at sa personal na buhay ay pribado naman siya.

Kaya maraming nagulat sa rant siya sa kanyang Facebook account ngayong araw dahil below the belt na at ginamit siya para magkaroon ng views ang isang content creator.

Bungad ni Mon, “Ayoko na sana patulan itong certain Ileiad na ito pero tama pa ba ang ginagawa ng mga content creator na ito?

“Gumawa ng story using my name & my photo na meet daw n’ya ako sa grocery at magpapa-picture daw s’ya pero dinuro-duro ko daw s’ya sa mukha at nakita n’ya na hindi ko binayaran ang 15 Milky Way Choco Bars na kinuha ko at pinagsisigawan ko daw ang cashier ng grocery.”

Baka Bet Mo: Mon Confiado 11 years nang walang dyowa: Tinanggap ko nang matandang binata na ako…

Sa sinabing hindi nagbayad ang aktor ng pinamili niya sa isang grocery ay hindi na ito kapani-paniwala dahil hindi kilala ng content creator na ito si Mon at kung ano ang estado nito sa buhay?

Pagpapatuloy ni Mon, “pinapalabas pa nito na magnanakaw ako nu’ng sinita ko. Joke daw ito at ito ay “Copypasta” at biglang nilagyan ng “disclaimer” ang post nya pero huli na.

“Pero hindi pa din inaalis ang post nya. Joke at my expense? Joke pero nakakasira ng tao? Bakit ka magjo joke sa’kin? Close ba tayo? Parang sobra na itong mga ito ah at para makakuha lang ng mga likes kahit makasagasa sila ng tao. Tapos sasabihin Joke.”

At dahil viral na ang post ng iresponsableng content creator ay marami na ang tumawag kay Mon na mga kaibigan tungkol dito.

Aniya, “Ang daming nag message sa akin at tinatanong kung totoo ba ito? Of course, Sabi ko hindi yan totoo. Never happened. At hindi ako ganung tao. At may pagka mayabang pa itong Ileiad na ito… nu’ng sinabi ko idedemanda ko s’ya dahil ayaw pa n’ya tanggalin ang post nya. Threat daw ba ito? Grabe itong taong ito!”

Base sa pinost ni Mon na palitan nila ng mensahe ng nangangalang Iliedad sa messenger.

Ayon kay Iliedad, “My apologies. It’s not my intention to tarnish your image in anyway. Like what they said in the comments, it’s a joke although I do agree with you that not everyone will understand it.”

Sagot ng aktor, “Joke?? At may expense?? Bakit moa ko sisirain at idadamay sa joke mo? Bakit hindi mo i-joke ang pamilya mo? Bakit ako? Ano ang nakakatawa sa joke mo? Sinira mo name ko? Now meron ka na disclaimer?

“And look how bastos you are! Nakita mon a ang effect ng ginawa mo at naka-oddent ka ng tao! Pero hindi mo pa rin inaalis ang post mo! Do you even realize what kind of person you are and what attitude you have? Then you will say it’s a joke! Kahit makasira ka ng tao.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“Abyway, wait mon a lang legal actions. Madali ka lang i-trace I mean it. And this is not a JOKE!”

Sagot ni Ileiad, “Trace? Is this a threat?”

Good thing na screen shot ni Mon ang buong sinulat ni Ileiad sa kanyang FB account at sa kasalukuyan ay hindi na ito mahanap.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending