Ai Ai rumesbak sa bashers matapos mag-guest sa It's Showtime

Ai Ai rumesbak sa mga bashers matapos mag-guest sa ‘It’s Showtime’

Ervin Santiago |March 21,2024
facebook
share this

Ai Ai rumesbak sa mga bashers matapos mag-guest sa ‘It’s Showtime’

Ervin Santiago - March 21, 2024 - 08:32 AM

Ai Ai rumesbak sa mga bashers matapos mag-guest sa 'It's Showtime'

Gabby Concepcion, Ai Ai delas Alas at Christopher de Leon

PINUTAKTI ng mga nakakalokang hate message ang Comedy Queen na si Ai Ai delas Alas matapos siyang umapir sa isang episode ng “It’s Showtime.”

Binanatan ng ilang netizens ang komedyana dahil sa umano’y kuwestiyonableng loyalty nito sa GMA 7 at ang kawalan umano ng utang na loob.

Nag-ugat ito sa guesting ni Ai Ai sa “Showtime” kasama si Christopher de Leon para sa promo ng show nilang “The Kings and Ai” with Gabby Concepcion na naganap last March 8.

Hindi pala knows ng komedyana na kaliwa’t kanan ang ginawang pamba-bash sa kanya sa naturang episode. Kaya naman sa pamamagitan ng Facebook ay nagsalita siya tungkol sa isyu.

Nitong nagdaang March 19, ay sinagot ni Ai Ai ang mga malilisyosong paratang laban sa kanya ng mga epal na haters at bashers.

Baka Bet Mo: Harry Roque: Ate Ai, hindi ka nagkamali sa sinamahang grupo… hindi mawawala ang iyong prangkisa

“Alam niyo ba, kaya ako chichika ngayon kasi yung mga friends ko, na yung dati kong mga fans na ngayon naging barkada ko na, sabi nila sa akin, super sakit na sakit sila.

“Kasi, hindi ko naman din alam na nung nag-guest pala ako sa Showtime, na-bash ako,” ang bahagi ng pagtatanggol niya sa sarili.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by AIAI DELAS ALAS (@msaiaidelasalas)


“Parang sa akin, ako naman, tuwang-tuwa pa nga ako kasi nakapag-guest ako sa Showtime, yun pala na-bash ako.

“Ako naman, parang ang dating sa akin, kasi hindi naman po talaga ako nagbabasa na. So, yung mga basher ko, walang effect, kasi nga hindi naman ako nagbabasa.

“So, sabi nila, ‘Siguro dapat magsalita ka na.’ Kasi ang tagal-tagal na, mga after nine years ba or magti-ten years na lumipat ako sa GMA,” patuloy na pahayag ng veteran comedienne.

Baka Bet Mo: Ai Ai sa pagiging single mom noon: Isa ‘yun sa pinakamahirap na moment sa buhay ko!

Dagdag pa niya, “Pero yun pong mga fans ko naman dati na alam nila na nag-start po talaga ako sa GMA, sa Kapuso, mga 1990s yun.

“Then, year 2000 na lumipat po ako sa ABS. And then, after nine years nga po, e, after 14 years, lumipat ulit po ako sa GMA.

“So, ngayon ko lang po sasabihin o yung pong hindi mga nakakaalam, na kaya ako bina-bash kasi wala daw po akong loyalty,” depensa ni Ai Ai.

Mariin niya itong pinabulaanan, “Hindi po totoo yan. Kasi po, kaya wala na po ako sa ABS dati, kasi po hindi ako ni-renew.

“Last na po yun ang kontrata ko. Hindi na po nila ako binigyan ng renewal. So, hindi po talaga ako umalis.

“Kumbaga, nu’ng time na nga po na yun, parang nangarag ako kasi parang feeling ko, ‘Naku, Lord, paano na kami ng pamilya ko? Wala kaming trabaho.’

“Wala akong trabaho nu’n. E, ako pa naman yung breadwinner at saka kasi yung nanay ko nun, buhay pa. So, talagang tulaley akey,” ang rebelasyon ng komedyana.

Hanggang sa may dumating sa kanyang good news, “Until God is so good talaga. Nu’ng panahon na wala na nga ako sa ABS dahil hindi ako ni-renew, pumunta yung kapitbahay namin sa amin. Tinitingnan yung bahay namin sa Ayala (Alabang).

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“Kaya ako po, nabenta yung bahay namin sa Ayala kasi parang, e, yun yung paraan ni Lord na, ‘O, eto, kahit wala kang trabaho, ayan. May pera kayo ng pamilya niyo.’ Kasi nabenta ko po yung bahay namin sa Ayala,” aniya pa.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending