Cassy nabiktima ng nakakalokang prank nina Darren at AC: Dude, I'm legit tearing up | Bandera

Cassy nabiktima ng nakakalokang prank nina Darren at AC: Dude, I’m legit tearing up

Therese Arceo |September 01,2021
facebook
share this

Cassy nabiktima ng nakakalokang prank nina Darren at AC: Dude, I’m legit tearing up

Therese Arceo - September 01, 2021 - 07:47 PM

SUCCESSFUL ang naging plano ng mga young performers na sina AC Bonifacio at Darren Espanto na i-prank ang kaibigang si Cassy Legaspi.

Sa isang online streaming app kung saan naka-live ang dalawa, nagplano ito na gumawa ng prank sa kaibigang sina Kyline Alcantara at Cassy Legaspi.

Mukhang updated naman si Darren sa latest happenings ni Cassy dahil alam nitong magkasama si Kyline at Cassy kaya nagdesisyon si AC na si Cassy na ang tawagan at sabihing “Darren was rushed”.

“Hello, Cass, did you hear what happened to Darren?” walang paligoy-ligoy na saad ni AC. “Did you hear what happened? He was rushed!” pagpapatuloy pa nito.

“What? He was what?” clueless at naguguluhang tanong ni Cassy.

“He was rushed. Did you hear? Is he not talking to you? Did he not tell you? He called me just now,” muling saad ni AC.

Agad namang tinanong ni Cassy kung alam ng kaibigan kung nasaan si Darren.

“I don’t know, he just called me and he said was rushed. I called you. I thought you knew. I don’t know what to do,” kunwaring nag-papanic na sabi ni AC pero kitang kita na naaliw sa kung paano mag-respond ang kaibigan.

Sa kabilang linya naman ay nagpapanic na si Cassy at umiisip ng maaaring gawin. Naisip naman nitong i-message ang kapatid ni Darren na si Lynelle para alamin ang “nangyari” sa kaibigan.

“I wanna do something, but he’s all the way in Canada. Oh my God. I’m shaking. Maybe I can text Lynelle,” sey ni Cassy.

Dito nga ay nag-decide na si Darren na sumingit dahil siguro nag-aalala na rin siya sa nararamdaman ni Cassy.

“No, Cass. We’re being rushed dito sa livestream sa Kumu,” saad ni Darren.

Tumawa naman si AC sabay sabing “We love you, Cassy!”

Amin naman ni Cassy, napalabas siya ng bahay dahil sa prank na ginawa ng mga kaibigan.

“Dude, I’m shaking. My hands are shaking. I hate you. Dude, I’m tearing up. I’m legit tearing up,” saad ni Cassy.

Inobliga naman ni AC si Darren na magpadala ng pagkain kay Cassy na sonang-ayunan naman ni Cassy dahil deserve daw niya ito matapos ang ginawang prank ng dalawa.

Nag-hi naman si Cassy sa mga supporters nilang magkakaibigan.

“Thank you for giving me a heart attack. Ang saya ko,” sarcastic na sabi ng dalaga.

Pinaalalahanan naman ni Cassy na sana ay ‘wag nang ulitin nina Darren at AC ang prank dahil kinabahan talaga siya.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Hindi naman kaila sa madlang pipol kung gaano ka-close sina Darren at Cassy. Sa totoo ay marami ang sumusuporta at naghihintay na magka-inlaban ang dalawa.

Hanggang ngayon ay nananatili silang good friends at walang awkwardness sa isa’t isa kahit na marami ang nang-aasar na bagay silang dalawa.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending