Payo ni Ogie Diaz sa ama ni Carlos Yulo: Hinay hinay lang
PINAYUHAN ng talent manager at comedian na si Ogie Diaz ang ama ng two-time Olympic gold medalist Carlos Yulo na si Mark Andrew Yulo tungkol sa patuloy na lumalalang hidwaan sa pagitan nilang mag-anak.
Sa kanyang latest episode ng “Showbiz Update” kasama sina Mama Loi at Dyosa Pockoh ay isa nga sa mga naging topic nila ay ang naging live ni Mark habang umiinom ito ng alak kasama ang mga kaibigan kung saan may mga nasabi ito tungkol sa anak.
Saad ni Ogie, kahit pa idinadaan sa biro ng ama ni Carlos ang kanyang pahayag ay dapat maging maingat pa rin ito at piliin ang mga salitang sasabihin.
Sa naturang live kasi ay naglabas si Mark ng reaksyon patungkol sa umano’y ginagatasan lamang ng nila ang anak.
Baka Bet Mo: Ogie Diaz knows kung ano ang ginawa ni Danny Tan kay Gerald Santos?
View this post on Instagram
Panimula ni Ogie, “Hanggang ngayon ay wala pa ring sawa, wala pa ring patid na pinag-uusapan ang pamilya ni Carlos Yulo ngayon at ang latest ay yung nakikipag-inuman itong tatay ni Carlos at nag-FB live.”
Hindi siguro ine-expect ng ama ng mga Yulo na may mag-i-screen record ng kanyang mga sinabi sa tanong na ginatasan niya ang anak kung saan pabiro niyang sinabi na kinuha raw ng anak ang kanyang “semilya” niya.
“Alam ko namang joke lang yun ng tatay ni Carlos Yulo pero sana, hinay-hinay lang din tayo. Alam ko naman na wala pa ring komunikasyon si Carlos at yung kanyang pamilya,” sey pa ni Ogie.
Natalakay rin sa naturang vlog ang pagbebenta ng pamilya Yulo ng kanilang bahay sa Imus, Cavite at ang perang makukuha ay ibabalik raw kay Carlos. Pati na rin ang “shopping spree” IG story ni Chloe ay natalakay rin.
Sa kabila naman ng patuloy na isyu sa pamilya ay nanatiling tahimik si Carlos sa isyu at tanging ang pamilya lang nito at dyowang si Chloe ang panay ang palitan ng mga pahayag laban sa isa’t isa.
Para naman kay Ogie kahit na patuloy ang hindi pagkakaunawaan ng dalawa ay iisang pamilya pa rin sila at the end of the day.
Paniguradong may mga dahilan raw ang bawat isa kung bakit ganoon ang kanilang treatment sa isa’t isa.
“Kahit pa magbangayan yan, mag-ina pa rin yan… ako naniniwala, dumidepende ang trato ng anak sa magulang, depende yan sa kung paano niya itrato at hubugin ang kanyang anak. Susuklian lang ‘yun ng anak,” sey pa ni Ogie.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.