Ai Ai pinag-tumbling ng lasing na customer sa halagang P1K

Ai Ai pinag-tumbling ng lasing na customer sa halagang P1K

Ervin Santiago - September 15, 2024 - 08:01 AM

Ai Ai pinag-tumbling ng lasing na customer sa halagang P1K

Ai Ai delas Alas at Arnell Ignacio

TAWA nang tawang binalikan ng magkaibigang Ai Ai delas Alas at Arnell Ignacio ang pagiging stand-up comedian nila ilang dekada na ngayon ang nakararaan.

Knows n’yo ba na P200 lang ang talent fee ni Arnel noong nagsisimula pa lang siyang maging stand-up comedian sa Music Box habang P250 naman ang TF ni Ai Ai.

Magkasamang nag-guest ang dalawa sa “Fast Talk with Boy Abunda” kamakailan at dito nga nila inalala ang mga nakakalokang karanasan nila sa Music Box noong dekada 80.

Baka Bet Mo: Arnell Ignacio nakikisakay lang daw sa kasikatan ni Vice Ganda: ‘Dapat mga trolls ang pagsabihan mo’

Kabilang na nga riyan ang pag-tumbling ni Ai Ai nang bonggang-bongga sa halagabg P1,000 matapos mag-request ang isang lasing na customer.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)


Kuwento ni Arnelli, nauna raw siya kay Ai Ai ma magtrabaho sa naturang sing-along bar nang isama siya roon ng isang kakilala. Na-excite siya nang malamang doon daw nagpupunta ang mga sikat na artista at direktor.

“Kumbaga mayroon daw potensiyal na magkaroon ako ng career doon. Ako naman naniwala,” ang laugh nang laugh na chika ni Arnell.

“Punta kaming Music Box. Eh, hindi naman ako umiinom talaga. Sa nerbiyos ko, lumaklak ako ng isang boteng beer, nalasing ako.

“Nagpe-perform ako, naggagapang ako du’n sa stage, sabi ng may-ari, ‘Hoy, ang galing niyan.’ Ayun kinuha ako,” pagbabalik-tanaw ng dating TV host na siya na ngayong namumuno sa Overseas Workers Welfare Administration (OWWA).

Pag-alala naman ni Ai Ai, nu’ng minsan daw siyang maglayas sa kanila, dinala siya ng mga kabarkada sa Music Box para mag-sing-along at mag-relax.

“Nakainom ako, eh hindi rin ako umiinom. So kumakanta ako walang lyrics, tapos tumatambling-tumbling ako,” kuwento ng Comedy Queen.

Napanood daw ni Arnell ang performance ni Ai Ai at sinabi nitong naniniwala ang kanyang kaibigan na maganda ang performance niya dahil enjoy na enjoy ang mga customers.

Kasunod nito, ni-reveal ni Arnell na P200 ang sahod niya every night, habang P250 naman kay Ai Ai kaya naman nang may customer na nagsabing bibigyan sila ng P1,000 ay tuwang-tuwa sila.

“May lasing na mama, sabi sa kanya, ‘Arnell, ‘yung kasama mo, pag-tumbling-in mo nga ‘yan.’ Pinagta-tumbling ako,” natatawang chika ni Ai Ai.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)


“Sahod namin noon, tig-P200 lang. Siya, P250. Sabi ko, ‘Huy, P1,000. Tumambling ka na.’ Ending, lahat kami nag-tumbling,” singit na hirit ni Arnelli.

Nasa Pilipinas ngayon si Ai Ai para muling mag-judge sa “The Clash 2024” ng GMA 7 na nagsimula na kahapon, September 14. Umuwi lamang siya mula sa Amerika para sa naturang programa.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Makakasamang muli ng komedyan sa original singing competition ng GMA sina Christian Bautista at Lani Misalucha bilang members ng The Clash Panel.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending