Lolit Solis hindi matanggap ang 'alibi' ni Arnell Ignacio ukol sa OFW na humingi ng tulong | Bandera

Lolit Solis hindi matanggap ang ‘alibi’ ni Arnell Ignacio ukol sa OFW na humingi ng tulong

Therese Arceo - July 29, 2023 - 06:39 PM

Lolit Solis hindi matanggap ang 'alibi' ni Arnell Ignacio ukol sa OFW na humingi ng tulong
NAGLABAS ang talent manager na si Lolit Solis ukol sa OFW na humingi ng tulong sa Overseas Workers Welfare Administration o OWWA headed by Arnell Ignacio.

Sa kanyang Instagram page ay ibinahagi niya ang kanyang pagkadismaya kay Arnell sa tila hindi pagbibigay tulong ng ahensya sa naturang OFW.

“Sad naman ako duon sa isang OFW Salve. Humingi siya ng tulong kay Arnel Ignacio pero hindi yata siya natulungan. Si Nina Taduran ang naawa kaya binigyan ng konting financial assistance nang lumapit sa kanya ang OFW Medyo na off ako na hindi man lang tinulungan ni Arnel ang OFW na humingi ng tulong,” saad ni Lolit.

Pagpapatuloy niya, “Sana kahit paano tinulungan niya dahil sa mga ganitong pagkakataon parang at a lost ka na naghahanap ng isang tao na mag aayos ng problema mo.”

Ani Lolit, siguro raw ay nakaramdam ng kalungkutan ang OFW noong hindi siya natulungan ng OWWA.

“Puwede din na baka may ibang narinig si Arnel Ignacio kaya hindi siya nakapag bigay ng tulong. Puwede na may iba rin naman side ng story ang inireklamo.

“Pero sa mga ganitong pagkakataon kasi kahit paano dapat nagbibigay ka ng lakas ng loob anuman iyon inilapit sa iyo,” sabi pa ni Lolit.

Wish niya na maging good listener si Arnell sa mga problemang kinakaharap ng mga kababayan nating nagtatrabaho sa ibang bansa.

Baka Bet Mo: Lolit Solis naaawa kay Joey de Leon; Bossing Vic natutulala tuwing sasapit ang tanghalian

“Sana naging very good listener man lang si Arnel duon sa may problemang OFW. Sana maayos na para may isa na naman tao na liligaya sa mundong ito. Sana anuman tulong mabigyan siya dahil iyon ang dapat mangyari.

“Ano man problema bigyan ng solusyon. Please Arnel pakinggan mo naman para may isa kang OFW na man mapaligaya at mabigyan ng solusyon,” hiling ni Lolit.

Chika pa niya sa isa niyang post, kahit ano pa raw ang maging paliwanag ni Arnell ay hindi niya matatanggap.

“Kahit ano pa paliwanag gawin ni Arnel Ignacio hindi ko matanggap ang kanyang alibi. Lalo ko ngang hinangaan iyon tao na lumapit sa kanya para humingi ng tulong ng malaman ko na may mga close friends ito na puwede lapitan para mapadali ang problema niya,” lahad ni Lolit.

Aniya, isang bagay raw ang maliwanag para sa kanya. Ito ay ang hindi pagbibigay pansin ni Arnell sa isang bagay na inihingi ng tulong sa kanya.

“Unforgivable kasi na kung meron ka puwede gawin at ipagdamot mo iyon tulong na hinihingi sa iyo.Suwerte na nga si Arnel Ignacio na nasa position parin siya kahit pa nga bago na ang administrasyon… at hindi siya pinalitan,” sey pa ni Lolit.

Dagdag pa niya, “Kaya dapat lang na mas maging approachable at competent siya. Kawawa naman iyon nabigo na tulungan siya ni Arnel Ignacio, umuwi siguro iyon na mabigat ang dibdin dahil walang nahingan ng tulong.”

Ani Lolit, dapat raw ay ma-guilty ang isang taong tumangging tumulong sa iba.

“Sana nakatulog ng mahimbing si Arnel Ignacio matapos niyang tanggihan ito… Dapat siguro na ikaw ang magturo ng compassion kay Arnel Ignacio para bongga,” sey pa niya.

Related Chika:
Lolit Solis sa karera ngayon ni Willie Revillame: Sa isang iglap bilang naging laos

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Stranded Kakampinks tinulungan ni Arnell: O, di ba, ang ganda naming tingnan…this is the way to do it

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending