Kris Aquino nagbigay ng business class ticket kay Bambbi Fuentes para mapuntahan ang yumaong ina sa US, puring-puri ni Lolit | Bandera

Kris Aquino nagbigay ng business class ticket kay Bambbi Fuentes para mapuntahan ang yumaong ina sa US, puring-puri ni Lolit

Therese Arceo |May 05,2023
facebook
share this

Kris Aquino nagbigay ng business class ticket kay Bambbi Fuentes para mapuntahan ang yumaong ina sa US, puring-puri ni Lolit

Therese Arceo - May 05, 2023 - 09:46 AM

Kris Aquino nagbigay ng business class ticket kay Bambbi Fuentes para mapuntahan ang yumaong ina sa US, puring-puri ni Lolit
LABIS na hinangaan ng kolumnista at talent manager na si Lolit Solis ang kabutihan ng puso ni Kris Aquino.

Sa kanyang latest Instagram post ay ibinahagi niya kung gaano ka-generous ang Queen of All Media kahit na nasa ibang bansa ito.

“Now Salve alam mo na bakit love ko si Kris Aquino. Tignan mo na dahil alam niya grieving si Bambbi Fuentes dahil namatay ang mother nito na nasa US, agad niyang binigyan ng ticket business class para makapunta agad at maasikaso ang wake,” pagbabahagi ni Lolit.

Aniya, very compassionate daw talaga ang ina nina Josh at Bimb at alam na alam rin nito ang pakiramdam na mawalan ng ina

“Iba talaga pag mahal ka ni Kris Aquino kaya masarap maging kaibigan nito. Dependable friend siya na maasahan mo pag meron kang problema,” saad pa ni Lolit.

Kaya naman daw marami ang nagdarasal para sa paggaling niya sa kanyang iniindang sakit dahil sa buti ng puso nito.

Baka Bet Mo: Kris Aquino may secret admirer daw, sey ni Lolit: Baka ito na ang ibinigay sa kanya ng mga guardian angels

Ikinuwento rin ni Lolit ang panahong agad na nag-reach out sa kanya ang TV host-actress matapos nitong malaman ang kanyang sakit.

“Sa akin nga ng lumabas na nagda dialysis ako siya ang una unang tumawag para magtanong kung ano ang puwede itulong. Kaya kahit ano sabihin masasabi ko talaga na isa si Kris sa pinaka mabait na tao na kilala ko,” pag-amin ni Lolit.

Dagdag pa niya, “Dasal ko na sana maging mahaba pa at maligaya ang buhay niya para narin sa dalawa niyang anak na sila Joshua at Bimby.

“People as nice and as sweet like Kris Aquino dapat magtagal ang buhay at dumami pa to make this world a better place to be.”

Sey pa niya, mahal niya ang Queen of all Media.

“Stay strong, gagaling ka at tatagal pa ang buhay mo, for sure. God bless you,” hirit pa ni Lolit.

Related Chika:
Kris tuloy ang laban para sa 2 anak: Mahiya naman ako sa lahat ng nagdarasal para gumanda ang kalusugan ko

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Kris Aquino sa bunsong anak na si Bimb: YOU are the reason I can’t give up

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending