Leksyon ng kaguluhan sa US ayon kay Lacson: 'Huwag bomoto para sa kabaliwan' | Bandera

Leksyon ng kaguluhan sa US ayon kay Lacson: ‘Huwag bomoto para sa kabaliwan’

Karlos Bautista - January 07, 2021 - 01:38 PM

Inakyat ng mga tagasuporta ni Pangulong Donald Trump ang pader ng US Capitol. (Reuters) 

May mahalagang leksyon para kay Senator Panfilo Lacson ang kaguluhan sa US Capitol: ang kabaliwan ay huwag bigyan ng puwang sa balota.

“Lesson learned from the mob attack on the US Capitol Hill: DO NOT VOTE FOR INSANITY,” ito ang sinabi ni Lacson sa kanyang tweet.

Ginulantang ang mundo ng balita ng pagsalakay ng mga tagasuporta ni Pangulong Donald Trump  sa US Capitol Building kung saan nagtitipon ang mga mambabatas para pagtibayin ang pagkapanalo ni Joe Biden sa nakaraang halalan sa Amerika.

Isa ang namatay habang marami ang nasaktan ng buwagin ng mga pro-Trump ang barikada sa harap ng Capitol, akyatin ang pader nito at pasukin ang mga opisina ng mga mambabatas pati na ang plenaryo.

Maging ang mga kagamitan ng media ay kanilang winasak.

Ayon kay Robert Contee, hepe ng Washington Metropolitan Police, gumamit ang mga nagpoprotesta ng chemical chemical irritant para atakehin ang mga pulis.

Naganap ang paglusob matapos na ang mga tagasuporta ni Trump ay makinig sa kanyang talumpati kung saan paulit-ulit niyang sinabi ang kanyang walang batayang paratang na dinaya siya sa eleksyon.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending