Sports Archives | Page 108 of 489 | Bandera

Sports

Palaro record sa hurdles winasak ni Eliza Cuyom

BANTAY, Ilocos Sur — Nabura ang 22-taong Palarong Pambansa record sa secondary girls 100m hurdles dito Martes ng hapon matapos itala ni Eliza Cuyom ng Region IV-A (Calabarzon) ang mabilis na 14.73 segundo sa heat ng naturang athletics event sa Presidente Elpidio Quirino Sports Complex. Binura ni Cuyom ang itinalang record ni Michelle Parasha ng […]

Malditas tinalo ng South Korea

NAGTAPOS ng kampanya ng Philippine Malditas women’s football team na makapasok sa World Cup sa kauna-unahang pagkakataon. Ito ay matapos na biguin ng South Korea ang Malditas, 5-0, sa fifth-place playoff ng 2018 AFC Women’s Asian Cup kahapon sa Amman, Jordan. Makakasama ng Korea ang apat na semifinalist na Australia, Thailand, China at Japan sa […]

Lydia De Vega-Mercado kinilalang Palaro Lifetime Achievement Awardee

VIGAN City, Ilocos Sur — Kinilala ang inspirasyon at ehemplo ng minsan tinaguriang Asia’s Sprint Queen na si Lydia De Vega-Mercado Linggo ng hapon matapos parangalan bilang ikalawang Palarong Pambansa Lifetime Achievement Awardee sa pagbubukas ng torneo sa Elpidio Quirino Stadium. Isa sa matagumpay na produkto ng athletics sa Palaro ang 54-anyos mula Meycauayan, Bulacan […]

Alab Pilipinas patatalsikin ang Hong Kong Eastern Lions

Laro Ngayon (Sta. Rosa City Sports Center) 8 p.m. Alab Pilipinas vs Hong Kong Eastern (Game 2) ADIOS! Ito ang tanging binitiwang salita ni Alab Pilipinas world import Renaldo Balkman habang kumakaway bilang simbolo ng kanyang pagpapaalam at huling pakikipagkita sa dinayuhan nitong tagasuporta ng Hong Kong Eastern Lions noong Game 1 sa best-of-three semifinals […]

Roach kinumpirma ang paghihiwalay nila ni Pacquiao

HUMIWALAY na si Filipino boxing superstar Manny Pacquiao sa kanyang long-time trainer na si Freddie Roach, ito ang kinumpirma ng beteranong ring guru kamakalawa. Sa isang maigsing pahayag, sinabi ni Roach na ang kanyang 15-taon na samahan sa dating world champion na si Pacquiao ay naputol bago pa man ang world title fight ng 39-anyos […]

2018 Allianz Conquer Challenge lalarga sa Mayo 13

MAGBABALIK ang Conquer Challenge obstacle course race (OCR) sa Mayo 13 sa Vermosa, Imus, Cavite. At sa taong ito ay may bago itong “partner” na angkop sa isinusulong at paniniwala ng naturang ORC organizers. Nagbigay suporta sa papausbong na sports discipline sa bansa ang Allianz Philippines na kilala sa buong mundo bilang tagapagtaguyod ng sports […]

Duterte dadalo sa opening ng 61st Palarong Pambansa

DADALO sa ikalawang sunod na taon si Pangulong Rodrigo Roa Duterte sa gaganapin na opening ceremonies ng ika-61 taon ng Palarong Pambansa bukas sa isa sa tinaguriang World Heritage Site na Vigan City, Ilocos Sur. Ito ang napag-alaman mismo kay Philippine Sports Commission (PSC) officer-in-charge Ramon Fernandez kung saan imbitado rin ang apat na iba […]

Matthysse darating sa Pinas para makaharap si Pacquiao

DARATING sa Pilipinas si World Boxing Association (WBA) welterweight champion Lucas Martin Matthysse ng Argentina ngayong Abril 18 para pormal na tanggapin ang hamon ni multi-division champion Manny Pacquiao sa City of Dreams Grand Ballroom. Nagpahayag ng kasiyahan si Pacquiao matapos na ang kanyang kumpanya na MP Promotions ay makumpleto ang preparasyon para sa two-city […]

Mga katanungan para kay Manny

LALABAN na naman ang ating Pambansang Kamao na si Manny Pacquiao at gaganapin ito sa Kuala Lumpur, Malaysia sa July 15. Ang makakalaban niya ay ang WBA welterweight champion na si Lucas Matthysse at pinapaboran daw manalo si Manny ng mga boxing oddsmakers. Ito ay kahit na sa huling laban niya sa Australyanong si Jeff […]

Krusyal na panalo asam ng PH Malditas vs Thailand

SASAGUPA sa krusyal na laban ang Philippine women’s national football team kontra karibal sa Southeast Asia na Thailand sa importanteng laro na magdedetermina sa patutunguhan nito sa kanilang huling laro sa Group A ng 2018 AFC Women’s Asian Cup sa King Abdullah II Stadium sa Amman, Jordan. Nakataya ganap na alas-8 ng gabi (Jordan time) […]

Previous           Next
No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending