Krusyal na panalo asam ng PH Malditas vs Thailand
SASAGUPA sa krusyal na laban ang Philippine women’s national football team kontra karibal sa Southeast Asia na Thailand sa importanteng laro na magdedetermina sa patutunguhan nito sa kanilang huling laro sa Group A ng 2018 AFC Women’s Asian Cup sa King Abdullah II Stadium sa Amman, Jordan.
Nakataya ganap na alas-8 ng gabi (Jordan time) o ala-1 ng madaling araw ng Biyernes sa Maynila ang magiging kapalaran ng bagong binuo na Malditas kung direktang makakapagkuwalipika o dadaan sa matira-matibay na laban para sa inaasam na makasaysayang pagtuntong sa World Cup.
Naudlot ang Malditas sa una nitong pagtatangka matapos na malasap ang 0-3 kabiguan sa China na humarang sa pagkakataon nito na agad masiguro ang silya sa 2019 FIFA Women’s World Cup sa France.
Puwersado ang Malditas na manalo sa kontra Thailand na nagawang itala ang 6-1 panalo kontra host Jordan. Ang panalo ay nagtulak sa Thailand sa ikalawang puwesto sa Group A dahil sa mas mataas nito na naitalang goal kumpara sa Malditas.
Kaya kinakailangan ng Malditas ipanalo ang kanilang laban kontra sa madalas tanghalin na SEA Games champion kung nais nitong umusad sa susunod na laban ng torneo at makapagkuwalipika sa World Cup.
“It will be an opportunity for the players to show their skills and abilities with the 24 best teams in the world if they able to qualify for the Women’s World Cup,” sabi ni Malditas head coach Rabah Benlarbi.
“Our aim also is that we want to play in the semifinals (of the Women’s Asian Cup).”
Aminado si Benlarbi na isa ang Thailand sa pinakamahusay na koponan sa rehiyon subalit umaasa ito na makakagawa ng paraan ang Malditas.
“Like all the teams in the world, they have a weakness and we will focus on their weaknesses. The level of Thai football is very good technically,” sabi pa ni Benlarbi.
Pinakahuling pag-asa ng Malditas ang makasabak para sa ikalimang puwesto na playoff kontra sa nasa ikatlong puwesto na katunggali sa Group B. Ang magwawagi ang magdedetermina sa huling koponan na makakatuntong sa Women’s World Cup.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.