Indonesian horror-comedy 'Kang Mak' nasa Pinas na

Indonesian horror-comedy ‘Kang Mak’ nasa Pinas na, maiyak sa katatawa

Ervin Santiago - November 20, 2024 - 01:00 PM

Indonesian horror-comedy 'Kang Mak' nasa Pinas na, maiyak sa katatawa

Ang cast members ng Indonesian horror-comedy na ‘Kang Mak’

IN FAIRNESS, napuno ng magkahalong tawanan at sigawan ang Cinema 2 ng SM Megamall kung saan naganap ang premiere night ng “Kang Mak.”

Ito’y isang horror-comedy movie mula sa Indonesia na ibinase sa pelikulang “Pee Mak” ng Thailand na pinagbibidahan ng sikat na komedyanteng si Indro Warkop, at ng mag-asawa sa tunay na buhay na sina Vino Bastian at Marsha Timothy.

Siguradong mag-eenjoy din kayo sa panonood ng “Kang Mak” dahil bukod sa katatakutan ay sure na sure kaming hahagalpak din kayo sa kaka-laugh dahil sa mga nakakalokang eksena ng mga bida sa pelikula.

Juice colored! Grabe ang reaksyon ng mga nakasabay naming nanood sa premiere night!

Baka Bet Mo: Ria excited nang maging padede mom; Sylvia maraming advice sa anak

As in ang lalakas ng tilian nila sa mga nakakagulat at nakakatakot na eksena pero mas malakas ang tawanan nila sa batuhan ng punchlines at linyahan ng cast.

Iikot ang kwento ng “Kang Mak” sa sundalong si Makmur na may naiwang buntis na asawang si Sari habang nakikipaglaban sa gyera kasama ng apat pang lalaki na sina Supra, Fajrul, Jaka, at Solah.

Sa tindi ng kanilang pinagsamahan, nangako silang magiging magkakaibigan habambuhay at walang iwanan sa kahit anong uri ng laban.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by VIVA International Pictures (@viva_intl_pictures)


Kaya nang makaligtas sila sa giyera, kasamang umuwi ni Makmur ang kanyang mga kaibigan. Tuwang-tuwa sila nang malamang nanganak na si Sari.

Pero ang kanilang saya ay napalitan ng takot nang makita nila ang bangkay na kamukhang-kamukha ni Sari. Napagtanto nila na ang Sari na kasama nila ay isa nang multo.

Habang sinusubukan nina Supra, Fajrul, Jaka at Solah na sabihin kay Makmur ang katotohanan, gagawin din ni Sari ang lahat para pigilan sila. Magkahalong tuwa at gulat ang siguradong mararamdaman ng mga manonood.

Mahusay ang pagkakaganap ng mga aktor, at ayon sa mga kritiko, ang “Kang Mak” ay isang kakaibang pelikula kung saan napagtagumpayan nito ang paghaluin ang horror at comedy.

Bukod sa pinakakilalang komedyante sa Indonesia na si Indro Warkop, at sa mag-asawa in real life na sina Vino Bastian at Marsha Timothy, kasama rin sa pelikula sina Rigen Rakelna, Tora Sudiro at Indra Jegel.

Simple lang ang atake ng direktor ng pelikula na si Herwin Novianto, pero in fairness, gets na gets niya ang taste ng mga Pinoy na mahihilig sa horror na sinahugan ng comedy.

Habang pinanonood nga namin ang “Kang Mak” ay nakikita namin si Bossing Vic Sotto at Empoy Marquez sa dalawang bida ng pelikula kaya naisip namin, parang may chemistry nga sila kapag nagsama sa pelikula. Oh, well!

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Showing na ngayon sa mga sinehan nationwide ang “Kang Mak” kaya kung gusto n’yong matakot at matawa, watch na!

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending