BANDERA Editorial Articles Archives | Page 9 of 21 | Bandera

BANDERA Editorial Articles

Bandera Editorial: Mas kadiri ang intriga

Bandera Editorial NAKATATAAS ng kilay ang payo ni Executive Secretary Leandro Mendoza sa papasok na executive secretary, Atty. Paquito Ochoa Jr., na pinag-iingat ito sa mga intriga sa Malacanang. Ganoon ha?  Di ba’t iba ang mga intriga sa panunungkulan ni Pangulong Arroyo?  Sa naudlot na termino ni Joseph Estrada?  Sa panahon ng diktadirya, atbp.?

Bandera Editorial: Yosi Kadiri, patay na

Bandera Editorial PUWEDE bang ibalik ang mascot na si Yosi Kadiri, na inilunsad ni ex-Health Secretary Juan Flavier? Walang hayagang kumontra sa kampanya at nakarating sa maraming lugar si Yosi Kadiri bilang bahagi ng kampanya. Bagaman malamya pa rin ang kampanya ni Flavier, dahil ito’y nakatuon lamang sa paninigarilyo sa mga pampublikong lugar at layon […]

Bandera Editorial: Lakas… tuwid na daan

Bandera Editorial DEDMA lang ang pahayag ng Malacanang na gagawin ni Pangulong Arroyo nang mas maaga ang kanyang State of the Nation Address sa Hunyo 14, imbes na nakagawian sa Hulyo (siyempre, hindi na siya presidente sa pagbubukas ng dalawang kapulungan ng Kongreso). Dedma dahil nakatuon na ang pansin sa nahalal na si Noynoy Aquino. […]

Bandera Editorial: Wag umasa kay Noy

Bandera Editorial HINDI dapat iasa kay Noynoy Aquino, ang manunumpang susunod na pangulo, ang iyong buhay (maliban na lang kung personal mong kakilala at kilala si Aquino at malapit ka sa kanya. Kilala mo ba siya? Malapit ka ba sa kanya?).

Bandera Editorial: Iyan si Pacquiao, iyan si Gloria

Bandera Editorial Iyan si Pacquiao… TULALA ang mga politikong inismol si Manny Pacquiao, seven division world boxing champion, nang mabalitaang dinalaw nito, kasama ang asawang si Jinkee, si President-elect Noynoy Aquino sa bahay ng kanyang mga magulang sa Times st., Quezon City. Hindi lang naman inismol si Pacquiao ng mga basahang politiko (trapo, o traditional […]

Bandera Editorial: Libingan ng mga Bayani

Bandera Editorial NAGBAGO ang ihip ng hangin sa Libingan ng mga Bayani nang mamatay sa Honolulu, Hawaii si Ferdinand Marcos noong Set. 28, 1989. Lumuha ang Ilocos noon, at sa Metro Manila, saglit na nagdilim ang langit nang makarating ang balita na namatay ang pinatalsik na pangulo (bagaman inaabangan na ito).

Bandera Editorial: Leksyon ng eleksyon

Bandera Editorial HANGGA’t may pag-asang manalo, tatakbo sa halalan ang politiko. Palalakihin ang pag-asang ito, baka nga naman manalo.  “Baka nga naman…”  Siyempre, kailangan may pera.  Kahit “konti,” basta milyones (walang halaga na ngayon ang P50 milyon, kaya’t kulang pa ito).  Pero, malaki ang leksyon na iniwan ng nakalipas na eleksyon sa mayayamang talunan. Ang […]

Bandera Editorial: Eleksyon ipagpaliban

Bandera Editorial PUWEDE. Matagal nang ginagawa ng Commission on Elections ang pagpapaliban sa mga halalan, sa lugar na magugulo, kapag nabalam ang pagbibiyahe ng mga materyales at gagamitin sa halalan dahil sa masamang panahon o di natuloy ang biyahe, nasunog ang gagamiting paaralan (ipagpapaliban kung walang malilipatan, pero karaniwang ipinagpapaliban dahil ihahanda muna ang lilipatang […]

Bandera Editorial: Di aangat sa buhay

Bandera Editorial HUWAG maniwala sa politiko na aangat at gaganda ang buhay mo kapag siya ang ibinoto mo sa susunod na Lunes. Matagal nang sinasabi ito ng mga kandidato pagkapangulo kapag sila’y nangangampanya. Maliban na lang kay Corazon Aquino. Noong nangampanya si Aquino noong 1985, wala siyang ipinangakong pag-angat ng buhay dahil lugmok daw ito […]

Bandera Editorial: Maraming trabaho, pero…

Bandera Editorial BAWAT kandidato pagka-presidente, nangangakong magbibigay ng trabaho.  Kahit si Pangulong Arroyo, na tumagal sa pagkapangulo pagkatapos layasan ng militar si Erap, ay madalas mangako ng isang milyon trabaho.  Pero napako. Ngayong malapit na tayong bumoto ng susunod na pangulo, at ngayong ipagdiriwang na naman ang Labor Day, basag na naman ang pandinig sa […]

Previous           Next
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending