Bandera Editorial: Di aangat sa buhay | Bandera

Bandera Editorial: Di aangat sa buhay

- May 04, 2010 - 11:48 AM

Bandera Editorial

HUWAG maniwala sa politiko na aangat at gaganda ang buhay mo kapag siya ang ibinoto mo sa susunod na Lunes. Matagal nang sinasabi ito ng mga kandidato pagkapangulo kapag sila’y nangangampanya. Maliban na lang kay Corazon Aquino. Noong nangampanya si Aquino noong 1985, wala siyang ipinangakong pag-angat ng buhay dahil lugmok daw ito bunsod ng diktadurya ni Ferdinand Marcos. Walang ipinangakong maayos na politika si Aquino dahil ang palaging binabanatan niya ay si Marcos na isinisisi sa pagpatay sa kanyang asawa na si ex-Sen.
Benigno Aquino Jr. Kaya sa tuwing Labor Day, non-monetary wage benefits ang tinanggap ng mga manggagawa, pero di lahat ay nabiyayaan.
Wala sa pamamahala ng politiko ang pag-angat ng buhay mo. Marami nang politiko ang iyong pinagkatiwalaan, pero, di mo ba napupuna na hanggang ngayon, tuwing umaga, ay nasa pila ka pa rin ng sakayan? Naniwala ka na rin sa politikong nagsabing para siya sa iyo, at sa lahat ng mahihirap. Pero di kayo ang kanyang inasikaso nang siya’y manalo.
Kahit na ang isang tumatakbo pagka-presidente; inamin niya na mula sa sariling pagsisikap ang lahat kaya siya nabing bilyonaryo. At walang nakatulong ni isang politiko para siya yumaman.
Tama siya. Gaganda ang iyong buhay nang di inaagapayan ng politiko. Ang kaagapay mo sa buhay at pag-unlad ay ang mismong sarili mo, o ang iyong asawa at pamilya. Hindi si mayor. Hindi si governor. Hindi si congressman. Hindi si senator. Hindi si presidente.
Nasa iyong mga kamay ang iyong pag-unlad, ang pagiging bastante sa maraming pangangailangan at bagay sa bahay at buhay.
Ikaw ang maghahanapbuhay at hindi ang iyong ibinotong politiko. Hindi ka ipaghahanapbuhay ng politiko, kaya’t paano aangat ang iyong buhay kapag siya ang ibinoto mo?
Nasa iyong mga kamay at paa pa rin ang iyong pag-asenso habang ang iyong ibinoto ay di ka na kailangan at iba’t ibang tao na ang kaharap araw-araw; at kailanman ay di ka na niya makakaharap habang siya’y nasa mataas na puwesto na.
Simulan na ang pagsisikap at ipagpatuloy ito.

Bandera, Philippine News, 050410

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending