MATAPOS ang matagumpay na laban ni People’s Champ Manny Pacquiao, hindi napigilan ng ring announcer na si Jim Gray na siya ay matanong hinggil sa pulitika.
Sa harap ng mahigit 13,000 manonood na nakasaksi sa kanyang pagkapanalo kontra kay Adrien Broner, sinabi ni Pacquiao na hindi pa niya naiisip ang ideya ng pagtakbo sa pagkapangulo.
“I don’t have that in my mind right now. I have no plans to run for president. I’m happy serving the people as a senator and in giving honor to the country,” pahayag ni Pacquiao nang tanungin kung tatakbo ba siya sa pagkapangulo.
Si Pacquiao ay kasalukuyang senador at magtatapos ang unang anim na taon niyang termino sa 2022. Sa nasabi ring taon gaganapin ang presidential election. kung saan posible rin siyang humirit ng reelection sa pagkasenador.
Ngayong 40-anyos na si Pacquiao, qualified na itong tumakbo sa pagkapangulo.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.