Pacquiao-Broner fight nagtala ng 400K pay-per-view buys | Bandera

Pacquiao-Broner fight nagtala ng 400K pay-per-view buys

Melvin Sarangay - , January 24, 2019 - 09:40 PM

KUNG kailangan pa ni Floyd Mayweather Jr. ng dahilan para makumbinsi na kalabanin muli sa boxing ring si Manny Pacquiao, ito ay ang katunayan na kaya pang humakot ng Filipino boxing superstar ng mga manonood hindi lang sa venue kundi maging sa pay-per-view.

Hindi lang ang impresibong panalo ng 40-anyos na si Pacquiao na ipinamalas niya sa WBA welterweight title fight kontra Adrien Broner ang pumatok sa madla kundi pati na rin ang pay-per-view.

Ayon sa mga ulat, ang kanyang WBA welterweight championship fight ay nakalikom ng 400,000 PPV buys. Ang PPV buy ay nagkakahalaga ng $75 bawat isa.

Mas mataas din ito sa 300,000 buys na nakuha ni Pacquiao sa laban niya kay Jessie Vargas noong 2016.

Ang laban ni Pacquiao kay Mayweather ang naging all-time high sa PPV sa naitalang 4.6 million buys.

Konta Broner, humakot si Pacquiao ng mahigit 13,000 manonood sa MGM Grand Arena.

Bagamat hinahamon na ni Pacquiao si Mayweather na ituloy na ang kanilang rematch hindi pa rin umuoo ang 42-anyos na dating welterweight champion.

Ilang beses din nagkita ang dalawang boxing superstar na lalong nagpaugong sa kanilang napipintong rematch.

Noong Setyembre ay inanunsyo ni Mayweather na babalik siya sa loob ng ring para muling harapin si Pacquiao.

Pumirma na rin si Pacquiao sa Premier Boxing Champions ni Al Haymon, na kilalang kaalyado ng Mayweather.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending