Kalat na sa Amerika: Pacquiao mabubulag daw matapos mapuruhan ni Broner sa mata | Bandera

Kalat na sa Amerika: Pacquiao mabubulag daw matapos mapuruhan ni Broner sa mata

Cristy Fermin - January 27, 2019 - 12:40 AM

MANNY PACQUIAO

Mas matinding maglabas ng mga kontrobersiyal na balita ang mga pahayagan sa Amerika. Pagkatapos ng salpukan nina Senador Manny Pacquiao at Adrien Broner ay ikinarga ng isang dyaryo du’n ang balitang mabubulag daw ang Pambansang Kamao.

Nakakaloka ang balita, nawindang ang mga Pinoy, siyempre dahil ayon sa kuwento ay tinamaan ni Broner ang mga ugat sa mata ni Pacman na magiging dahilan para matapos na ang kanyang boxing career.

Magkaroon lang ng napapanahong headline ay kulang na kulang sila sa impormasyon na nagasgas lang sa gloves ni Broner ang kampeong boksingero. Walang tinamaang ugat. Gasgas lang.

Nagsiguro lang ang doktor ni Pacman na huwag maimpeksiyon ang kaliwa niyang mata kaya tinakpan ‘yun ng gasa. Ilang araw lang ay magaling na ang nagasgas niyang mata. Wala nang problema.

Text ng kaibigan naming si Vangie Caperal Aleemi ng Virginia, USA na mahilig mangoleksiyon ng mga pahayagan, “Kinabahan naman ako sa balitang ito, Sis! Imagine, life-threatening daw ang nangyari kay Pacman, the end na raw ng boxing career niya!

“Nakakagulat, ‘yun pala, e, nagasgas lang naman ang left eye niya. Nakakainis! Para lang makapag-headline sila, inililigaw nila ang readers!” inis na sabi ng aming kaibigan.

Ha! Ha! Ha! Ha!

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending