Bandera Editorial: Sino'ng sinungaling? (Lugmok na ekonomiya at malawakang kahirapan?) | Bandera

Bandera Editorial: Sino’ng sinungaling? (Lugmok na ekonomiya at malawakang kahirapan?)

- April 26, 2010 - 04:27 PM

Bandera Editorial

SA nagdaang sanlinggo, sinikap nating subaybayan ang mga talumpati ng mga kandidato sa mga lalawigan, sa panayam ng mga organisasyon at kanilang reaksyon sa mga balita.
Nakatuon pa rin ang kanilang pansin sa umano’y lugmok na ekonomiya at malawak na kahirapan.  Ganito pa rin ang tema ng kanilang mga talumpati sa entablado, kahit alam ng lahat na wala namang nakauunawa sa kanilang mga pagsusuri dahil ang mga nakakikinig ay kanila ring mga tauhan, o kundi’y mahihirap nga, pero hindi naman palaging sumasala sa pagkain at wala pa ring mga kamag-anak na namamatay nang dahil sa gutom, dahil, ayon na rin sa mga presidential candidate, ay wala nang mabiling bigas na tanging pangmayaman na lang ang presyo.
Sa susunod na lalawigan at sa susunod na entablado, ganitong mga talumpati na naman ang kanilang sinasambit.  Talaga nga namang napakadaling manira dahil sa makinis na pader ay tiyak na may mauukilkil na bitak at di pantay na pahid ng pintura.
Madaling magsinungaling kesa magsabi ng katotohanan dahil ang kasinungalingan ay naglulubid sa nagngangalit na dila’t damdamin.
Sa panig ng mga politiko, kasinungalingan.  Kabulaanan kaya ang mga nasa pahina ng Philippine Daily Inquirer hinggil sa ibinalita nilang maganda at malusog na ekonomiya?
Heto ang ilang ulo ng mga balita:
1.  IMF raises growth forecast for RP; GDP seen expanding by 3.6%
2.  Phinma to hike investments in ’10.
3.  Consortium to boost Galoc oil reserves.
4.  Anscor to expand telecom venture, appeals 3G bid.
5.  Allied Bank net income up 138.7% in ’09.
6.  Digitel turns around, nets P259.7M in 2009.
7.  Gov’t generates $346< from euro, dollar bond issue.
8.  US textile bill seen creating more jobs in RP.
9.  CebuPac embarking on $1.4-B expansion.
10.  Spanish firm commits to invest $27M in RP.
11.  BIR expects to surpass April target. Sino’ng sinungaling?  Sinu-sino ang mas sinungaling?  Iboboto mo ba ang sinungaling?

Bandera, Philippine News, 042610

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending