BANDERA Editorial Articles Archives | Page 4 of 21 | Bandera

BANDERA Editorial Articles

Luksang katarungan

BUONG bansa, luksang katarungan. Ipinakita ng bayang hudikatura, na kinaaaniban ng lahat ng abogado, maliban sa Malacanang, ang pagtutol at pagkondena sa pambabarako sa Korte Suprema. Nagkataon lang na ang punong mahistrado ay na-impeach simbilis ng bala. Nagsuot ng itim na armband at naglaylay ng itim na laso ang mga abogado bilang pakikiisa sa seryosong […]

Trapik daw? Ows

GANITO sa Makati, trapik.  Matagal nang inamin ito ni Jejomar Binay, kaya’t merong Mapsa tanod. Trapik sa Divisoria at wala nang magagawa riyan.  Pero, may magagawa pa. Ang magtalaga ng magsasaayos ng daloy ng mga sasakyan at mamimili. Malaking buwis ang nakokolekta sa Divisoria at walong high-rise condo-mall ang itinatayo, pero walang nagmamando ng trapiko […]

Malinis na lider

WALANG malinis na lider, kung ang pagbabatayan ay ang paglilingkod ng Unang Aquino, na inakusahang tiwali ang mga kamag-anak na dinala sa gobyerno ng nagrerebeldeng mga sundalo. Walang naimbestigahan sa mga tinuran ng RAM-YOU na tiwaling mga kasapi ng Kamag-Anak, Inc., at We Bulong. Sa panunungkulan ng Ikalawang Aquino, natabunan na ng mga isyu ang […]

Ginipit si Imelda

SI Imelda man ay ginipit din ng gabundok na mga kaso kahit siya’y wala sa bansa.  Nang dumating sa bansa ay dinagdagan pa ang mga kaso. Hanggang ngayon ay isa-isang sasamsamin ng gobyerno ang kanyang mga ari-arian, mga ari-arian na ipinundar ng asawa sa pag-aabogado at mga ari-ariang unti-unting naipundar sa Leyte. Noon pa man, […]

Gawa, hindi ngawa

SA wakas ay nakahalata na rin ang Kamara de Representantes na puro lang sila ngawa at kulang sa gawa.  O talagang walang gawa. Mahirap nga naman ang magtrabaho.  Nakapapagod ito, nakapupuyat.  Tulad ng sinasabi sa nakalaylay sa estribo ng pampasaherong jeepney, “Di baleng tamad, hindi naman pagod.” Nakalulungkot na tamad ang karamihan sa ating sinusuwelduhang […]

Litisin, ngayon na

NGAYONG bilanggo na si Pampanga Rep. Gloria Arroyo, kailangang litisin na siya, agad.  Laos na ang sigaw sa kalye na “Ikulong si Gloria.”  Kailangang litisin na siya at idiin ng testigo laban sa kanya. Pagkatapos ng panahon ng taga-usig, kailangang isunod agad ang pagtatanggol sa kanya.  Karapatan ng akusado na ipagtanggol ang kanyang sarili at […]

Sc, Ninoy, Gloria

DALAWANG beses nang binabangga ng Malacañang ang Supreme Court. Ayon mismo sa opisyal ng mataas na hukuman, pagsuway ang pagbangga sa Korte Suprema. Sa simula pa lamang ng panunungkulan ng Ikalawang Aquino ay binangga na nito ang punong mahistrado ng SC. Di kagulat-gulat ito dahil ilang pagkontra na ang ginawa ng SC sa ilang kautusan […]

Delayed telecast

KAILANGAN magwawakas ang delayed telecast ng mga laban ni Manny Pacquiao?  Kailan matatapos ang matagal na paghihintay ng taumbayan sa free TV? Malapit na.  Sa maraming bahagi ng Metro Manila, tulad ng Makati, Maynila, Caloocan, Parañaque at Quezon City, di na nila hinintay para panoorin ang delayed telecast ng laban sa free TV. Kanya-kanyang pasikatan […]

Walang babatikos

WALA nang bibira, wala nang babatikos, wala nang pupuna.  Yan ang Christmas wish ng gobyerno sa darating na Pasko. *  Pabayaan na lang ang resbak ng mga pasaway sa Bagong Silang, Caloocan, na ikinamatay ng purok leader at tanod; at ikinasugat ng 71-anyos na tanod. *  Pabayaan na lang ang pamamaslang kay Ramgen Bautista, maging […]

Bitayin na lang

KUNG ang pagbabasehan ay ang kawalan ng atensyon ng gobyerno ng Ikalawang Aquino, malamang na mabulok na lang sa mga bilangguan, o bitayin na lang, ang mga overseas Filipino workers na nahaharap sa malalaking kaso sa iba’t ibang bansa. Ngayon ay sising-alipin ang Migrante Middle East dahil inakala nilang seryoso si Noynoy noong nangangampanya pa […]

Pera sa tamad, kaaway

KAILANMAN ay di maunawaan ng arawang obrero na binubuwisan mula sa kanyang kakarampot na kita ang mga tamad na mahihirap, komunista at rebeldeng Moro. Kailanman, hindi magiging tama ang kunsintihin ang tamad at ibuhos ang milyones na tulong sa kaaway para ang mga ito’y mas makapaghasik ng lagim at patraydor na pumatay ng mandirigma ng […]

Previous           Next
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending