Walang babatikos | Bandera

Walang babatikos

- November 10, 2011 - 01:21 PM

WALA nang bibira, wala nang babatikos, wala nang pupuna.  Yan ang Christmas wish ng gobyerno sa darating na Pasko.

*  Pabayaan na lang ang resbak ng mga pasaway sa Bagong Silang, Caloocan, na ikinamatay ng purok leader at tanod; at ikinasugat ng 71-anyos na tanod.

*  Pabayaan na lang ang pamamaslang kay Ramgen Bautista, maging ang pagsibat ni Ramona.

*  Pabayaan na lang ang pamamaslang kay Ricky Pempengco.

*  Pabayaan na lang ang pamamayagpag ng New People’s Army sa trosohan, minahan at plantasyon sa Mindanao at ang paglusob sa provincial jail sa Oras, Eastern Samar.

*  Pabayaan na lang ang patuloy at araw-araw na  pamamaslang ng mga nakamotor.

*  Pabayaan na lang ang inagawan ng lupain ng mga ninuno ng tribung Gandam-Bangon ng B’laan, na mismong ang gobyerno, ang National Commission on Indigenous People, ang umano’y may kagagawan.

*  Pabayaan na lang si Dan Asnawi at ang patraydor na pamamaslang sa 19 na sundalo.

*  Pabayaan na lang ang kawalan ng interes ng gobyerno na buhayin at palakasin ang sakahan, na ayon kina CBCP President Bishop Nereo Odchimar, 19 na obispo, daan-daang NGO, at mga lider obrero, relihiyon at akademya, ay bokya ang agrarian reform ng gobyerno ng Ikalawang Aquino.

*  Pabayaan na lang kung hanggang ngayon ay di pa naipamamahagi ang mga lupa sa Hacienda Luisita.
*  Pabayaan na lang kung di binanggit ang repormang agraryo sa dalawang State of the Nation Address.

*  Pabayaan na lang kung lugmok ang negosyong “ber,” na ayon sa mga negosyante ay naglaho ang kita sa Oktubre.

*  Pabayaan na lang kung ayaw nang kumuha ng mga obrero ang maraming kompanya sa Metro Manila, na iniulat mismo ng Department of Labor and Employment.

Dahil kung pagtutuunan ito ng pansin ay tiyak na mababatikos ang gobyerno at baka mauwi pa sa paghuhusga na sa kabila ng mga pangyayari ay walang ginawa ang pamahalaan, lalo na ang crime czar.

Noon ay banat nang banat ang malalapit sa pangulo, pero nang mailuklok na ng taumbayang nagdalamhati sa libing ng Unang Aquino ay sila naman ang ayaw tumanggap ng kritisismo.

Ang kritisismo ay nakatutulong para magtrabaho ang suwelduhan ng taumbayan.  Ang kritisismo ay patunay ng interes ng taumbayan para sa magandang pamamahala.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Ang kritisismo ang susupilin sa kapaskuhan.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending