Malinis na lider | Bandera

Malinis na lider

- December 05, 2011 - 02:44 PM

WALANG malinis na lider, kung ang pagbabatayan ay ang paglilingkod ng Unang Aquino, na inakusahang tiwali ang mga kamag-anak na dinala sa gobyerno ng nagrerebeldeng mga sundalo.

Walang naimbestigahan sa mga tinuran ng RAM-YOU na tiwaling mga kasapi ng Kamag-Anak, Inc., at We Bulong.

Sa panunungkulan ng Ikalawang Aquino, natabunan na ng mga isyu ang mahigit 3,000 containers na ipinuslit at nasibak pa sa puwesto ang opisyal ng Aduana na nagbulgar nito. Natabunan na nga, dedma pa.

Ang mataas na approval and trust rating ay di batayan ng malinis at masipag na lider. Bilib nga si House deputy minority leader Danilo Suarez kay Pangulong Aquino dahil mataas ang approval at trust rating nito, pero di nito maiibsan ang sakit ng kumakalam na sikmura at nalipasan ng gutom; di nito maipagtatanggol ang gobyernong lumalapastangan sa Saligang Batas na binalangkas sa panahon ng Unang Aquino, tulad ng ipinaliliwanag ng Korte Suprema kay Justice Secretary Leila de Lima nang igiit nito na isantabi ang Constitution alang-alang sa “survival of the state.”

Tama. Kapuri-puri ang tapat na lider, ang di nasisilaw sa pera (kaya puwede nang ipamigay sa mga magsasaka ang lupain). Pero, hindi nakahahawa ang katangiang ito kung ang nasa paligid ay mamahaling laptop (top of the line) ang nais, ang pagdadala ng malakas na kalibre ng armas kahit wala namang nagbabalak pumatay, mga tagapayo sa batas (hindi abogado ang pangulo) na ipapahamak lamang ang kanilang pinuno sa pagsuway sa Saligang Batas, at kalimutan na lang at ilista sa tubig ang mga kapalpakan, pangunahin ang Luneta hostage.

Kahit ang banal na aklat ay di palagiang salig sa kabanalan at dasal. Kailangan din ang trabaho.

Kailangan ng gobyernong magising sa pagkakahimlay sa papuri sa katangiang dahil pagkatapos ng mahigit isang taon ay lumaganap ang kahirapan (paano ipaliliwanag ang “kung walang korap, walang mahirap?”) dahil bumagsak ang ekonomiya. Bagsak ang ekonomiya bago mapatalsik si Marcos kaya napakarami ang mahihirap.

Ngayon, marami ang mahihirap dahil bagsak ang ekonomiya sanhi ng maling mga programa ng mga ekonomista ni Noynoy. “Consumer-driven” naman daw ang ekonomiya, pakli ng pangulo.

May nabibili ang taumbayan dahil may bonus na ang mga manggagawa at dumating na ang padala ng mga OFW. Yan ang totoo. Kung yan ang totoo, nasaan ang epektong “consumer-driven” nang ipamudmod sa mahihirap ang pera mula sa programang conditional cash transfer?

Malinis?

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

 

 

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending