Sangguniang Panlalawigan ng Quezon nagpasa ng resolusyon laban sa Kaliwa dam project | Bandera

Sangguniang Panlalawigan ng Quezon nagpasa ng resolusyon laban sa Kaliwa dam project

- December 01, 2020 - 09:05 AM

Nagpasa ng isang resolusyon an Sangguniang Panlalawigan ng Quezon para bigyang kapangyarihan si Governor Danilo Suarez na magsagawa ng agarang hakbang upang ipahinto ang konstruksiyon ng P12-bilyong Kaliwa dam project sa bayan ng Infanta.

Ipinasa ang nasabing resolusyon noong Nobyembre 27, 2020 ng 11 sa 13 miyembro ng Sangguniang Panlalawigan sa pamumuno ni Bise Gobernador Samuel Nantes.

“Hindi ko gusto ‘yang Kaliwa dam. Ako’y kaisa nyo… at ‘pag itinuloy pa rin ang pagpapatayo nyan ay magkikita-kita kami sa korte,” pahayag ni Suarez sa harap ng mga grupong kumokontra sa naturang proyekto, kabilang ang mga miyembro ng Save Sierra Madre network.

Ayon kay Suarez, habang siya umano ang gobernador ng lalawigan ay hindi niya pahihintulutang maitayo ang joint venture project ng Metropolitan Waterworks and Sewerage System at China Energy Engineering Corporation dahil sa malinaw na mapanira ito sa kalikasan, magtataboy sa karapatan ng mga katutubong daan-taon nang naninirahan sa lugar napagtatayuan ng proyekto, maliban pa sa panganib na hatid ng Kaliwa dam project sa mga mamamayan na nakatira sa mga kapatagan, o low-lying communities.

Iginiit din ng mga lider ng Simbahang Katoliko sa lalawigan ang kanilang pagtutol sa multibillion-peso mega-dam project, at sinabing ang laban ay para sa kaligtasan ng mga tao.

Ayon kay Bishop Bernardino Cortez ng Infanta, ang Kaliwa dam project ay may nakaumang na panganib sa lowland agricultural at fishing communities na may kasaysayan ng flash flooding.

Ang prelature, na sumasakop sa hilagang bahagi ng mga lalawigan ng Quezon at Aurora, ay nasa Sierra Madre Mountain Range at sa silangan ng Pacific Ocean. Tahanan din ito ng libo-libong Dumagats, isang indigenous community sa bulubunduking bahagi ng Infanta.

“So you will understand that, by geography, our very survival depends on the care of our mountains, forests, rivers, protection of mangroves and seashores. We hope and pray that our people in this ‘Jubilee for the Earth’ will develop a new mindset and a paradigm shift in our care and use of the common home,” sabi ni Cortez.

Kaugnay nito ay hinikayat ni Cortez ang gobyerno na maghanap ng alternatibong mapagkukunan ng tubig tulad ng watershed rehabilitation at ayusin ang mga umiiral na dams at water facilities.

“We hope and pray that our people in this ‘Jubilee for the Earth’ will develop a new mindset and a paradigm shift in our care and use of the common home,” ayon kay Cortez.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

BANDERA Editorial Articles

Malinis na lider

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending