John Roson Archives | Page 11 of 149 | Bandera

John Roson Archives | Page 11 of 149 | Bandera

NPA umatake sa bigayan ng relief goods, 2 dakip

  ARESTADO ang dalawang kasapi ng New People’s Army nang makasagupa ng mga tropa ng pamahalaan ang mga rebeldeng sumalakay sa pamamahagi ng relief goods sa mga apektado ng community quarantine sa Aroroy, Masbate, Biyernes ng hapon, ayon sa militar. Ang dalawang nadakip ay kapwa miyembro ng Milisyang Bayan, ayon kay Capt. John Paul Belleza, […]

NPA nang-agaw ng relief goods – Army

INAGAW ng mga diumano’y kasapi ng New People’s Army ang ilang relief goods na ipamamahagi sana sa mga residenteng apektado ng community quarantine kontra COVID-19, sa Balanginga, Eastern Samar, inulat ng militar Biyernes. Naganap ang insidenteng kinasangkutan ng aabot sa 30 rebelde noong Martes, sa Sitio Bangon, Brgy. Guinmayohan, ayon kay Capt. Reynaldo Aragones Jr., […]

Bodyguard ng vice mayor tinodas

NASAWI ang bodyguard ng vice mayor ng Guihulngan City, Negros Oriental, nang pagbabarilin ng mga armadong naka-motorsiklo, Huwebes ng gabi. Dead on arrival sa ospital si Belarmino Isolana, close-in security in Vice Mayor Ernesto Reyes, dahil sa mga tama ng bala sa ulo’t katawan, ayon sa ulat ng Negros Oriental provincial police. Naganap ang insidente […]

Commander ng police precinct sa Maynila dakip sa extortion

ARESTADO ang commander ng presinto ng pulisya sa Paco, Manila, at kanyang sibilyang kasabwat para sa umano’y pangingikil sa mga vendor. Nadakip si Capt. Josep Pedro Bocalbos, commander ng Paz Police Community Precinct, at kasabwat niyang si Joyce Sajines, 47, ayon kay Col. Ronald Lee, direktor ng PNP Integrity Monitoring and Enforcement Group. Dinampot ang […]

Army lieutenant nahirapang huminga, patay, iniimbestigahan pa sa COVID-19

INAALAM ngayon ng Armed Forces kung tinamaan ng 2019-Coronavirus disease (COVID-19) ang isang Army lieutenant na nasawi sa Bulacan, Miyerkules ng hapon. Ayon kay AFP chief Gen. Felimon Santos, binawian ng buhay si 2Lt. Vince Magbanua, miyembro ng Army 48th Infantry Battalion, sa isang pagamutan sa Norzagaray. Si Magbanua ay miyembro ng Philippine Military Academy […]

Ex-vice mayor tinodas

NASAWI ang dating bise alkalde ng Tipo-Tipo, Basilan, nang barilin ng mga armadong naka-motorsiklo sa Isabela City, Martes ng gabi. Agad ikinasawi ni Musiddik Mande, residente ng Sitio Bario Militar, Brgy. Menzi, ang tama ng bala sa ulo, ayon sa ulat ng Zamboanga Peninsula regional police. Si Mande ay tubong Tipo-Tipo at dating bise alkalde […]

Kawal patay sa NPA ambush sa Iloilo

NASAWI ang isang kawal nang tambangan ng mga hinihinalang kasapi ng New People’s Army ang mga sundalong kabilang sa kampanya laban sa 2019-Coronavirus disease (COVID-19), sa Lambunao, Iloilo, Martes ng umaga. Nakilala ang nasawi bilang si Pfc. Mark Nemis, residente ng Madalag, Aklan, ayon kay Capt. Cenon Pacito, tagapagsalita ng Army 2rd Infantry Division. Naganap […]

Napagkamalang baboy-ramo… mangangaso napatay ng kasama

NASAWI ang isang mangangaso nang mabaril ng kanyang kasama, matapos umanong mapagkalamang baboy-ramo, sa kasukalan ng Cabugao, Ilocos Sur, kahapon (Linggo). Nakilala ang biktima bilang si Reynaldo Tatson, 49, ayon sa ulat ng Ilocos regional police. Kusa namang sumuko sa mga awtoridad ang suspek na si Melchor Tatson, 28. Naganap ang insidente sa Sitio Caset, […]

AFP chief negatibo na sa COVID-19

NAG-negatibo na si Armed Forces chief Gen. Felimon Santos Jr. para sa 2019-Coronavirus disease, matapos mag-positibo sa naturang sakit noong nakaraang buwan. Lumabas ang pinaakahuling resulta ng pagsusuri kay Santos ng Department of Health at Research Institute for Tropical Medicine ngayong araw (Linggo), ayon kay AFP spokesman Brig. Gen. Edgard Arevalo. “He (Santos) is thereby […]

Magsasaka na ayaw umanong mag-face mask, nag-amok, binaril, patay

NASAWI ang isang magsasaka na ayaw umanong mag-face mask nang barilin ng pulis sa isang quarantine checkpoint sa Nasipit, Agusan del Norte, Huwebes ng umaga. Dead on arrival sa ospital si Junie Dongog Piñar, 63, matapos barilin ni SSgt. Rolly Llones, ng Nasipit Police, ayon kay Caraga regional police director Brig. Gen. Joselito Esquivel. Naganap […]

Ambulansya sumalpok, tumagilid: 1 patay, 4 sugatan

  ISANG barangay tanod ang nasawi at apat pa katao, kabilang ang isang buntis, ang nasugatan nang sumalpoksa poste at tumagilid ang sinakyan nilang ambulansya, sa Bay, Laguna, Sabado ng madaling-araw. Nasawi si Ofelia Regalado, 50, tanodat residente ng Brgy. Tuntungin-Putho, Los Baños, ayon sa ulat ng Laguna provincial police. Sugatan naman ang iba pang […]

Previous           Next
No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending