John Roson Archives | Page 10 of 149 | Bandera

John Roson Archives | Page 10 of 149 | Bandera

Covid-19 ceasefire ng CPP-NPA pinalawig pa

INUTUSAN ng Communist Party of the Philippines (CPP) ang New People’s Army na palawigin ang pagpapatupad ng sarili nilang tigil-opensiba sa buong bansa, para matugunan ang krisis na dulot ng 2019-Coronavirus disease (COVID-19). Sa isang kalatas, sinabi ng CPP na pinalawig ng Central Committee ang ceasefire hanggang 11:59 ng gabi ng Abril 30, mula sa […]

‘COVID-19 ceasefire’ tapos na: rebelde, militiaman patay

ISANG rebelde at militiaman ang naiulat na napatay sa mga opensiba ng militar at New People’s Army kasabay ng pagwawakas ng tigil-putukan na ipinatupad ng gobyerno at mga rebeldeng komunista para matugunan ang krisis na dulot ng 2019-Coronavirus disease (COVID-19) Nagwakas ang unilateral ceasefire ng gobyerno at mga rebeldeng komunista alas-11:59 ng gabi Miyerkules, at […]

Police major patay sa pamamaril, anak sugatan

NASAWI ang isang police official habang bahagyang nasugatan ang kanyang anak nang barilin ng mga di pa kilalang salarin, sa Isulan, Sultan Kudarat, Miyerkules ng hapon. Ikinasawi ni Maj. Victorino Pansoy, pinuno ng Internal Affairs Service ng Davao del Sur provincial police, ang tama ng bala sa leeg, ayon kay Lt. Col. Lino Capellan, tagapagsalita […]

55 pulis nagpositibo sa COVID-19

PUMALO na sa 55 ang bilang ng mga pulis na nagpositibo sa 2019-Coronavirus disease (COVID-19). Sa naturang bilang, lima ang naitalang bagong kaso, ayon kay PNP Health Service director Brig. Gen. Herminio Tadeo Jr. Sila’y kinabibilangan ng isang 43-anyos at 36-anyos na kapwa mula Laguna; 29-anyos na mula Muntinlupa City; 29-anyos na mula Taguig City, […]

DILG sa LGU, PNP: Non-essential business establishment isara

INUTUSAN ng Department of Interior and Local Government ang mga local government units at Philippine National Police na isara ang mga non-essential business establishments. Ayon kay DILG Sec. Eduardo Año nakarating sa kanya ang mga impormasyon na may mga negosyo na nagbukas na kahit hindi pa pinapayagan. “If there is resistance or disobedience to authorities, […]

3 gobernador, 2 mayor lumabag sa ECQ policies pinagpapaliwanag ng DILG

PINAGPAPALIWANAG ng Department of the Interior and Local Government ang tatlong gobernador at dalawang mayor para sa umano’y paglabag sa mga panuntunan ng enhanced community quarantine (ECQ). Tumanggi muna si Interior and Local Government Secretary Eduardo Año na pangalanan ang mga opisyal, pero sinabi ang mga kasong maaaring isampa sa mga ito. Binigyan ang local […]

4 dakip, P70.4M shabu nasabat sa Cavite

APAT katao, kabilang ang dalawang banyaga, ang naaresto habang aabot sa P70.4 milyon halaga ng hinihinalang shabu ang nasamsam sa buy-bust operation sa isang mall sa Dasmariñas City, Cavite, Martes ng hapon. Dalawa sa mga naaresto’y nakilala bilang sina Clement Nwachukwu at Starboi Nwachukwu, kapwa mula Africa, ayon sa ulat ng PNP Drug Enforcement Group […]

PNP pinaghahanda sa mas mahaba pang operasyon kontra COVID-19

PINAGHAHANDA ni National Police chief Gen. Archie Gamboa ang pulisya para sa posibilidad na tumagal pa ang operasyon laban sa 2019-Coronavirus disease (COVID-19) lampas sa pagtatapos ng lockdown sa Luzon at ilan pang lugar sa bansa. “The way forward, in my analysis, is for us to expect a longer operation period in our law enforcement […]

DILG chief negatibo na sa COVID-19

NAGNEGATIBO na si Interior and Local Government Secretary Eduardo Año sa 2019-Coronavirus disease (COVID-19). “I got the report just this afternoon… una ngang sinabi ay positive ulit, ‘yun pala lumang record. Pero na-confirm na wala na nga,” sabi ni Año sa isang panayam. Unang nag-positibo sa COVID-19 si Año noong Marso 31. Ayon sa kalihim, […]

DILG Chief: Galaw ng tao hihigpitan pa rin pagkatapos ng lockdown

HIHIGPITAN pa rin ang galaw ng mga tao kahit i-lift na ang Luzon-wide lockdown sa Abril 30, ayon kay Interior and Local Government Secretary Eduardo Año. Sa isang panayam, sinabi ni Año na ito’y para maiwasan ang biglang pagtaas ulit ng bilang ng mga mayroong coronavirus disease 2019 (COVID-19), gaya ng sa ilang bansa na […]

Police lieutenant na suspek sa panghoholdap tinodas

PATAY ang police lieutenant na suspek sa panghoholdap sa isang gasolinahan nang pagbabarilin ng di pa kilalang salarin, sa Cauayan City, Isabela, Linggo ng tanghali. Dead on arrival sa ospital si Lt. Oliver Tolentino, residente ng Brgy. Cabaruan, ayon sa ulat ng Isabela provincial police. Naganap ang insidente sa Purok 6, Brgy. San Fermin, dakong […]

Previous           Next
No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending