NAGNEGATIBO na si Interior and Local Government Secretary Eduardo Año sa 2019-Coronavirus disease (COVID-19).
“I got the report just this afternoon… una ngang sinabi ay positive ulit, ‘yun pala lumang record. Pero na-confirm na wala na nga,” sabi ni Año sa isang panayam.
Unang nag-positibo sa COVID-19 si Año noong Marso 31.
Ayon sa kalihim, inasahan niyang magne-negatibo siya sa sakit matapos muling masuri noong Abril 8, dahil wala siyang dinanas na sintomas at malakas ang kanyang pangangatawan.
Gayunman, sinabi ni Año na sasailalim siya sa isa pang pagsusuri para matiyak na wala nang virus na naiwan sa kanyang katawan.
“Ang advise din sakin ay ituloy ko ang quarantine kasi baka may natira pang virus na ilabas ko.”
Nabatid naman na sa kabila ng pagsailalim sa quarantine ay patuloy na nagtatrabaho si Año at dumadalo sa pulong ng Inter-Agency Task Force on the Managament of Emerging Infectious Disease sa pamamagitan ng video conferencing.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.