PNP pinaghahanda sa mas mahaba pang operasyon kontra COVID-19 | Bandera

PNP pinaghahanda sa mas mahaba pang operasyon kontra COVID-19

John Roson - April 14, 2020 - 04:06 PM

PINAGHAHANDA ni National Police chief Gen. Archie Gamboa ang pulisya para sa posibilidad na tumagal pa ang operasyon laban sa 2019-Coronavirus disease (COVID-19) lampas sa pagtatapos ng lockdown sa Luzon at ilan pang lugar sa bansa.

“The way forward, in my analysis, is for us to expect a longer operation period in our law enforcement and public safety functions beyond April 30, for possible selective quarantine in some areas,” sabi ni Gamboa sa mensaheng binasa niya sa social media.

Ayon sa PNP chief, bagamat ngayong araw (Abril 14) sana matatapos ang Luzon-wide lockdown ay kinakilangan itong palawigin dahil sa pagdami pa ng kaso ng COVID-19.

“This only goes to show that in this battle, we do not make the timeline, rather it is the virus that makes the timeline, and the best that we can do for the meantime is to manage the situation.”

Tiniyak ni Gamboa na kahit may mga pulis nang tinamaan ng COVID-19 ay may sapat pang pulis na iro-rotate sa mga checkpoint kahit tumagal pa ang operasyon laban sa sakit.

Siniguro din ng PNP chief na magpapatuloy ang suporta ng ahensiya sa mga pulis na ipinapadala sa “frontline,” at inanunsyo na matatanggap na ng mga ito ang buong P500 na arawang hazard pay at iba pang benepisyo.

“That should further boost the financial flexibility of our troops and their families apart from the full range of salary and allowances in April, sans any deduction for loan amortization for this month. Another P5,000 windfall is also due for all PSMBFI (Public Safety Mutual Benefit Fund Inc.) members as financial assistance to see them through this crisis.”

Matapos ianunsyo ang mga benepisyo, hinikayat ni Gamboa ang mga pulis na kusang magbigay ng kontribusyon sa binuo niyang “Bayanihan Fund Challenge.”

“I know that individually, we have more than enough to spare for our government and our people in their direst need. I believe this is not too much our country can ask from us and to which we are willing to give.”

“More than our services, this is our golden opportunity to selflessly share, provide social and moral support and economic relief to our fellow Filipinos who belong to the poorest of the poor,” ani Gamboa.

Layon ng challenge na makalikom ng P200 milyon na para matulungan ang gobyerno na tugunan ang COVID-19, matapos aminin ni Pangulong Rodrigo Duterte na kapos na sa pera ang pamahalaan.

Ayon kay Gamboa, sa ngayon ay nakalikom na ng P34 milyon cash at pledges.

Kabilang aniya dito ang iniatang ng matataas na lider ng PNP na 50 porsiyento ng kanilang sweldo para sa buwan ng Mayo.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Nilinaw naman ng PNP chief na ang challenge ay boluntaryo at walang espesipikong halaga na hinihingi.

“The project does not authorize automatic salary deduction, or the use of funds sourced from PNP appropriations,” aniya pa.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending