Bodyguard ng vice mayor tinodas | Bandera

Bodyguard ng vice mayor tinodas

John Roson - April 10, 2020 - 05:10 PM

NASAWI ang bodyguard ng vice mayor ng Guihulngan City, Negros Oriental, nang pagbabarilin ng mga armadong naka-motorsiklo, Huwebes ng gabi.

Dead on arrival sa ospital si Belarmino Isolana, close-in security in Vice Mayor Ernesto Reyes, dahil sa mga tama ng bala sa ulo’t katawan, ayon sa ulat ng Negros Oriental provincial police.

Naganap ang insidente dakong alas-6:30, malapit sa Bateria Bridge, Brgy. Poblacion.

Naglalakad si Isolana malapit sa kanyang bahay nang pagbabarilin ng dalawang taong magkaangkas sa isang motor, ayon sa ulat.

Dinala pa ang 56-anyos na si Isolana sa Guihulngan District Hospital, pero di na umabot nang buhay.

Natagpuan naman sa crime scene ang apat na basyo ng kalibre-.45 pistola.

Bukod sa kanyang trabaho, sinisilip ng pulisya ang posibleng kaugnayan ng pagpatay sa iligal na droga.

Si Isolana ay sumuko sa kampanya ng pamahalaan kontra droga, noong Nobyembre 17, 2016, ayon sa ulat.

Inaalam pa rin ang pagkakakilanlan at kinaroroonan ng mga salarin, na namataang tumakas patungong timog, matapos ang insidente.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending