NASAWI ang dating bise alkalde ng Tipo-Tipo, Basilan, nang barilin ng mga armadong naka-motorsiklo sa Isabela City, Martes ng gabi.
Agad ikinasawi ni Musiddik Mande, residente ng Sitio Bario Militar, Brgy. Menzi, ang tama ng bala sa ulo, ayon sa ulat ng Zamboanga Peninsula regional police.
Si Mande ay tubong Tipo-Tipo at dating bise alkalde doon. Tumakbo rin siya sa pagka-alkalde noong nakaraang eleksyon ngunit di nanalo, ayon sa pulisya.
Naganap ang pamamaril sa Purok Bougainvilla, Brgy. Sumagdang.
Nagmomotorsiklo si Mande patungo sa city proper nang buntutan at barilin ng dalawang taong sakay ng isa pang motor, ayon sa ulat.
Natagpuan sa pinangyarihan ang isang basyo ng kalibre-.45 pistola.
Agad nagsagawa ng pagtugis ang lokal na pulisya nang matunugan ang insidente dakong alas-6:10, pero di na inabutan ang mga salarin.
Inaalam pa ang pagkakakilanlan, kinaroroonan, at motibo ng mga salarin. (John Roson)
– end –
W04082020-john2
Humingi ng aircon kapalit ng kaso: Pulis, kasabwat dakip
John Roson
Arestado ang isang pulis at kanyang kasabwat sa Cebu City para sa umano’y paghingi ng air-conditioner kapalit ng pagpapababa sa kaso ng isang drug suspect.
Nadakip si Cpl. Wenefredo Olangayo, nakatalaga sa City Police Station 3 (Waterfront), at kasabwat na si Jevy Rea Gelig sa entrapment Martes ng hapon, ayon kay Col. Ronald Lee, direktor ng PNP Integrity Monitoring and Enforcement Group (IMEG).
Dinampot ng mga tauhan ng IMEG, kasama ang ilang tauhan ng Central Visayas regional police at city police, ang dalawa nang tanggapin ng mga ito ang aircon unit sa Sitio Silangan 2, Brgy. Tejero.
Inilunsad ang operasyon matapos dumulog sa pulisya ang isang Reymart Villarmino.
Sinabi ni Villarmino na hiningan siya ng aircon ni Olangayo kapalit ng pagpapababa sa kaso ng kapatid niyang si Ramel, na naaresto para sa paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Law.
Hiningi umano ni Olangayo ang aaircon para sa kanyang misis, ani Lee.
Hinahandaan na si Olangayo at Gelig ng kasong robbery-extortion, habang may hinahanda na ring kasong administratibo laban sa pulis.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.