John Roson Archives | Page 12 of 149 | Bandera

John Roson Archives | Page 12 of 149 | Bandera

PNP nagpaliwanag sa mababang hazard pay ng pulis

KAUGNAY sa patuloy na pagdedeploy sa mga pulis sa mga checkpoint kontra COVID-19, inutos ni PNP chief Gen. Archie Gamboa ang mabilis na pagpapalabas ng P235 arawang hazard pay para sa mga miyembro nito. Gayunpaman, napag-alaman na inalmahan ng ilang pulis ang halaga dahil wala pa ito umano sa kalahati nang ipinangako ng gobyerno na […]

13 pulis tinamaan ng Covid-19; 2 patay

INIULAT ng PNP na isang pulis na nakatalaga sa Laguna at isa na nakatalaga sa Metro Manila ang kasama sa bilang ng mga nasawi dahil sa COVID-19. Ang dalawa ay kabilang sa 13 pulis na nagpositibo sa naturang sakit, ayon kay PNP spokesman Brig. General Bernard Banac. Nasa 209 pulis naman ang kasama sa listahang […]

P22.5M halaga ng kumpiskadong medical supplies ipamimigay

MAAARING ipamigay sa frontliners at mga ospital ang milyun-milyong halaga ng medical supplies na nakumpiska ng mga otoridad sa hoarders at profiteers kung sakaling magkaubusan sa nagpapatuloy na krisis na dulot ng 2019-Coronavirus disease (COVID-19), ayon sa pulisya. Di bababa sa P22.5 milyon halaga na ng face masks, alcohol, thermal scanners, surgical gloves, at hand […]

Army, NPA nagbakbakan sa Quezon: 1 patay

PATAY ang isang kasapi ng New People’s Army nang makasagupa ng mga tropa ng pamahalaan sa Gumaca, Quezon, Martes ng hapon. Narekober ng mga kawal ang bangkay ng rebelde, isang granada, isang improvised na bomba, at mga dokumentong may “high intelligence value,” ayon sa ulat ng Army 2nd Infantry Division. Naganap ang sagupaan sa Brgy. […]

2 pulis nang-rape ng 2 detainee, arestado

ARESTADO ang dalawang pulis dahil sa umano’y  panghahalay sa dalawang babaeng detainee sa Marikina City. Nadakip, dinisarmahan, at kinasuhan na sina Pat. Arnold Geroy at Pat. Sonny Maruzzo, kapwa miyembro ng Marikina City PNP Special Operations Unit (SOU), sabi ni Maj. Gen. Debold Sinas, hepe ng National Capital Region Police Office. Dinampot ang dalawa sa […]

Sa gitna ng COVID-19 ceasefire.. NPA, Army nagbakbakan: 2 patay

ISANG kasapi ng New People’s Army at sundalo ang nasawi sa sagupaan sa Rodriguez, Rizal, Sabado ng hapon, sa gitna ng tigi-putukang pinaiiral sana ng gobyerno at mga rebeldeng komunista bilang pagtugon sa 2019-Coronavirus disease. Ayon kay AFP chief Gen. Filemon Santos Jr., inatake ng mga rebelde ang mga kawal na nagsasagawa ng “community work” […]

Mayor, 2 mamamahayag kinasuhan sa COVID-19 ‘fake news’

PATUNG-patong na kaso ang kinakaharap ngayon ng alkalde ng Noveleta, Cavite, at ilan pa katao para sa umano’y pagpapakalat ng maling impormasyon tungkol sa 2019-Coronavirus disease (COVID-19). Kinasuhan si Mayor Dino Chua para sa umano’y pagpapakalat ng maling impormasyon tungkol sa unang kaso ng COVID-19 sa Cavite City, ayon kay PNP spokesman Brig. Gen. Bernard Banac. […]

4 dakip sa overpriced alcohol

DI bababa sa apat katao na ang nadakip para sa pagbebenta ng overpriced na rubbing alcohol sa gitna ng patuloy na pagkalat ng coronavirus disease (COVID-19). Kabilang sa mga nadakip sina Jeffrey Zapanta, isang stockman, and Albert Mandap, isang bartender, ayon kay National Police spokesman Brig. Gen. Bernard Banac. Nadakip ang dalawa sa entrapment na […]

Previous           Next
No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending