DILG Sec. Año: Mas mahabang lockdown di 'advisable' pero... | Bandera

DILG Sec. Año: Mas mahabang lockdown di ‘advisable’ pero…

John Roson - March 30, 2020 - 02:55 PM

HINDI pabor si Interior and Local Government Secretary Eduardo Año na palawigin pa ang Luzon-wide lockdown, pero nagbabala na maaari itong gawin kung magpapatuloy pa ang pagdami ng kaso ng 2019-Coronavirus disease (COVID-19).

“Hindi advisable na pahabain ‘yung lockdown kasi magsa-suffer nang husto ‘yung ating economy,” sabi ni Año sa isang panayam sa radyo.

Ibinigay ng kalihim ang pahayag sa ika-15 araw ng lockdown, o kalahati ng panahong itinakda para sa pagpapatupad nito.

Nang kapanayamin sa telepono, sinabi ni Año sa mga reporter na bagamat di siya pabor sa extension ng lockdown ay nakadepende pa rin ang desisyon sa pagdami ng taong positibo sa COVID-19.

Kung aabot pa aniya sa 10,000 ang bilang ng may sakit ay maaaring magpasya ang Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Disease (IATF-EID) na palawigin ang lockdown.

“Palagay ko ‘pag umabot tayo nang ganun, dapat i-extend. Di pupuwedeng pabayaan lang,” ani Año.

Inihayag pa ng kalihim na kung di naman aabot sa ganoong karami ang kaso ay maaaring magpasya ang IATF-EID na tapusin ang lockdown bago pa ang Abril 14.

Naniniwala si Año na naging epektibo ang lockdown, dahil maaari aniyang nasa 20,000 na ang may COVID-19 ngayon kung di ito ipinatupad.

Napag-alaman naman kay Año na kasalukuyan siyang naka-self quarantine dahil may nakasalamuha siyang apat na taong nag-positibo sa COVID-19, kabilang si Armed Forces chief Gen. Felimon Santos Jr. at Metropolitan Manila Development Authority general manger Jojo Garcia.

Sa kabila nito, sinabi ni Año na nagtatrabaho pa rin siya mula sa bahay, at kinausap pa ang alkalde ng Angeles City, Pampanga, para paalalahanan na bawal ang ginawa nitong pagpapasara sa ospital na tumanggap ng pasyenteng may COVID-19 at ilang persons under investigation (PUI).

“Hindi ka pupuwedeng magpasara ng ospital lalo na ngayong kailangan natin, ang lahat ng Level 2, Level 3 hospitals ay inatasan ng DOH na pwede silang tumangap ng COVID patients o kaya PUIs because we need these hospitals now.”

“Kung halimbawa hindi  nagustuhan ng mayor ang pagpapalakad ng isang ospital eh di magfile ka ng complaint o kaya kasuhan mo pero wag mong ipasara. Hindi puwedeng ipasara,” giit ni Año.

Samantala, kaugnay pa rin ng lockdown, iniimbestigahan na ng National Police ang napaulat na pag-eescort ng dalawa nitong tauhan sa mahigit 20 Chinese national papuntang Cagayan.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Napaulat na nakalusot ang mga banyaga, na pawang mga empleyado ng Philippine offshore gaming operation (POGO), dahil sa mga kasamang escort na mula umano sa Police Security Protection Group (PSPG).

“We are working on this. PSPG is now conducting investigation to determine the circumstances. PNP will never tolerate erring personnel. If evidence warrants, appropriate administrative and criminal charges will be filed against them,” sabi ni PNP spokesman Brig. Gen. Bernard Banac.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending