INIULAT ng PNP na isang pulis na nakatalaga sa Laguna at isa na nakatalaga sa Metro Manila ang kasama sa bilang ng mga nasawi dahil sa COVID-19.
Ang dalawa ay kabilang sa 13 pulis na nagpositibo sa naturang sakit, ayon kay PNP spokesman Brig. General Bernard Banac.
Nasa 209 pulis naman ang kasama sa listahang Persons Under Investigation habang 1,600 naman ang itinuturing bilang “persons under monitoring (PUM)”, aniya.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.
What's trending