Army, NPA nagbakbakan sa Quezon: 1 patay | Bandera

Army, NPA nagbakbakan sa Quezon: 1 patay

John Roson - April 01, 2020 - 03:41 PM

PATAY ang isang kasapi ng New People’s Army nang makasagupa ng mga tropa ng pamahalaan sa Gumaca, Quezon, Martes ng hapon.

Narekober ng mga kawal ang bangkay ng rebelde, isang granada, isang improvised na bomba, at mga dokumentong may “high intelligence value,” ayon sa ulat ng Army 2nd Infantry Division.

Naganap ang sagupaan sa Brgy. Bungahan, dakong alas-4.

Ayon kay Lt. Col Edward Canlas, commander ng 59th Infantry Battalion, namamahagi ang kanyang mga tauhan ng leaflets laban sa COVID-19, nang makatanggap ng tip tungkol sa presensya ng aabot sa 30 rebeldeng nagkuta wala pa 1 kilometro mula sa kabahayan.

Sinabi ni Brig. Gen. Norwyn Tolentino, commander ng 201st Brigade, na rumesponde ang mga kawal sa impormasyon dahil matuturing na “clear and present danger” ang presensya ng mga rebelde di kalayuan sa mga kawal at komunidad. (

Pinaalalahanan ni Defense Secretary Delfin Lorenzana ang Armed Forces na matyagan pa rin ang posibleng pag-atake ng New People’s Army sa kabila ng ceasefire na ipinaututpad ng gobyerno laban sa 2019-Coronavirus disease (COVID-19).

“Remain vigilant and ready to defend,” sabi ni Lorenzana sa mensahe sa mga kawal na idineploy sa mga quarantine control point o checkpoint.

Ayon kay Lorenzana, sa kabila ng ceasefire ay inaasahan pa rin ang mga opensiba ng NPA dahil mayroon itong nabigong pag-atake sa Rodriguez, Rizal, at nakasagupa pa ng mga kawal sa Gumaca, Quezon.

Ibinigay ng kalihim ang pahayag matapos ianunsyo Martes ng gabi na nag-negatibo siya sa COVID-19.

“I am negative of the COVID virus. On the advice of the doctor I will complete my quarantine until April 6,” aniya.

Kinumpirma din ni Lorenzana na nag-positibo si Interior and Local Government Sec. Eduardo Año sa naturang sakit, at humiling ng panalangin para sa huli.

Sa hiwalay na pahayag, sinabi ni Año na patuloy siyang magtatrabaho kahit naka-self quarantine, at hinikayat pa ang publiko na manatili sa bahay habang ipinapatupad ang lockdown sa Luzon at iba pang bahagi ng bansa.

Bunsod ng pag-positibo ni Año sa sakit, naka-quarantine na rin ang ilang senior official ng DILG kabilang ang tagapagsalita ng kagawaran na si Usec. Jonathan Malaya.

“Senior officials of the Department who were in close contact with the Secretary, including myself, are now in self-quarantine and will observe symptoms in accordance with DOH protocols,” ani Malaya.

Sa kaugnay na balita, inulat ng National Police nag-negatibo si PNP chief Gen. Archie Gamboa sa COVID-19.

“Nag undergo siya (Gamboa) ng test pero negative [ang] result,” ani PNP spokesman Brig. Gen. Bernard Banac.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“He (Gamboa) is on duty, up and running the entire affairs of the PNP amid the enhanced community quarantine. He remains healthy but adapting strict biosafety measures [like] strict social distancing,” aniya pa. 

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending