AABOT umano sa 80 porsiyento ang nabawas sa bilang ng mga krimen na naganap sa Metro Manila sa unang apat na raw ng community quarantine, ayon sa National Capital Region Police Office. “We are still collating the data, but sa last report namin, malaki, 80 percent po ang binaba ng crimes,” sabi ni NCRPO chief […]
ARESTADO ang dalawang lalaki nang makuhaan ng aabot sa P2.43 milyon halaga ng hinihinalang shabu sa magkahiwalay na buy-bust operation sa Candelaria, Quezon, Miyerkules. Unang nadakip si Arnold Ona, 42, sa operasyong isinagawa sa Purok 4, Brgy. Mangilag Sur, dakong alas-7:45 ng umaga, ayon sa ulat ng Quezon provincial police. Nakuhaan siya ng kabuuang 103.23 […]
ISANG lalaki ang nasawi attt isa pa ang nasugatan nang pagbabarilin ng di pa kilalang salarin sa loob ng isang fraternity house sa Binondo, Manila, Huwebes ng madaling-araw. Nakilala ang nasawi bilang si James Carl Suico, 28, ayon sa ulat ng Manila Police District Station 11 (Meisic). Nagtamo naman ng daplis ng bala sa mukha […]
ITINUTURING nang “persons under investigation” ang ilang tauhan ng PNP Criminal Investigation and Detection Group sa Metro Manila matapos magpositibo sa 2019-Coronavirus disease ang isang operatiba, ayon kay National Capital Region Police Office chief Maj. Gen. Debold Sinas. Pinalilinis din ang mga tanggapan ng CIDG-NCR at Manila Police District kung saan naglagi ang operatiba bago […]
PINASISILIP na ni National Capital Region Police Office chief Maj. Gen. Debold Sinas ang impormasyon tungkol sa mga taong nagpapanggap na magsagawa ng sanitation sa mga bahay kontra COVID-19 para lang makapanloob. Ayon kay Sinas, sa text messaging at social media pa lang kumakalat ang diumano’y panloloob sa ilang bahay at wala pang pormal na […]
ARESTADO ang isang Chinese national matapos umiwas sa checkpoint, na isinasagawa ng mga pulis bilang bahagi ng quarantine laban sa 2019-Coronavirus disease (COVID-19), sa hangganan ng Quezon City at San Mateo, Rizal, Martes ng madaling-araw. Nakilala ang nadakip bilang si Jian Pang, 33, isang technician at naninirahan sa New Manila, ayon sa ulat ng National […]
NANGANGAMBA si National Police chief Gen. Archie Gamboa para sa kanyang mga tauhan na naka-assign sa mga quarantine checkpoint. Ito ay dahil sa kulang umano ang mga pulis sa protective gear and equipment habang sila ay nagi-screen ng mga tao sa checkpoint na posibleng carrier ng nakamamatay na coronavirus disease (COVID-19). “Basically ‘yung protective gear […]
DALAWANG tao ang nasawi at dalawa pa ang nasugatan sa magkahiwalay na aksidente sa lalawigan ng Quezon, Linggo ng gabi. Dead on arrival sa ospital ang construction worker na si Carlo Corpuz, 29, matapos mahagip ng bubong ng kasalubong niyang tricycle sa Brgy. Dinahican, Infanta, alas-8:10, ayon sa ulat ng Quezon provincial police. Sinabi sa […]
ARESTADO ang isang lalaki nang makuhaan ng aabot sa P61.2 milyon halaga ng hinihinalang shabu sa buy-bust operation sa Quezon City, Miyerkules ng hapon. Nadakip si Mark Anthony Carlos, alyas “Ton-Ton,” 28, residente ng San Miguel, Bulacan, ayon kay Brig. Gen. Romeo Caramat, direktor ng PNP Drug Enforcement Group (DEG). Isinagawa ng mga tauhan ng […]
ARESTADO ang dalawang banyaga at kanilang kasabwat na Pilipina nang makuhaan ng P4.08 milyon halaga ng hinihinalang shabu sa buy-bust operation sa Makati City, Martes ng gabi. Nakilala ang mga naaresto bilang sina Ifeanyi Augustine Chinwueba, 30, ng Nigeria; Antoine Negou Fotie, 40, ng Cameroon; at Pilipinang si Jeneth Fotie, 24, ayon sa ulat ng […]