ISANG lalaki ang nasawi attt isa pa ang nasugatan nang pagbabarilin ng di pa kilalang salarin sa loob ng isang fraternity house sa Binondo, Manila, Huwebes ng madaling-araw.
Nakilala ang nasawi bilang si James Carl Suico, 28, ayon sa ulat ng Manila Police District Station 11 (Meisic).
Nagtamo naman ng daplis ng bala sa mukha si Axcel Malicsi, 16.
Naganap ang insidente sa fraternity house ng Tau Gamma Phi sa Area C, Gate 54, Parola Compound, dakong ala-1:15.
Nag-iinuman noon sina Suico, Malicsi, at lima pa katao sa loob ng frat house, nang may kumatok.
Pinagbuksan ni Malicsi ang kumatok pero bigla siya nitong binaril sa mukha, at kasunod noo’y pinaputukan ang iba pang tao sa loob.
Inaalam pa ang pagkakakilanlan at kinaroroonan ng salarin, na sinasabing nakasuot ng shots, jacket na may hood, cap, at maskara.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.