PINASISILIP na ni National Capital Region Police Office chief Maj. Gen. Debold Sinas ang impormasyon tungkol sa mga taong nagpapanggap na magsagawa ng sanitation sa mga bahay kontra COVID-19 para lang makapanloob.
Ayon kay Sinas, sa text messaging at social media pa lang kumakalat ang diumano’y panloloob sa ilang bahay at wala pang pormal na naiuulat na ganitong mga insidente sa pulisya.
Dahil dito, sinabi ni Sinas na itinuturing muna ng pulisya na “fake” ang kumakalat na impormasyon, bagamat hindi ito kailangang balewalain.
“Though we do not necessarily encourage everyone to take this information lightly, we would like to reassure the people in the Metro that we are not lax in our anti-criminality campaign despite the stringent call as front liners in the enhanced community quarantine.”
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.