ARESTADO ang dalawang lalaki nang makuhaan ng aabot sa P2.43 milyon halaga ng hinihinalang shabu sa magkahiwalay na buy-bust operation sa Candelaria, Quezon, Miyerkules.
Unang nadakip si Arnold Ona, 42, sa operasyong isinagawa sa Purok 4, Brgy. Mangilag Sur, dakong alas-7:45 ng umaga, ayon sa ulat ng Quezon provincial police.
Nakuhaan siya ng kabuuang 103.23 gramo o P2.105 milyon halaga ng umano’y shabu, at nabawi sa kanya ang P2,000 buy-bust money, ayon sa pulisya.
Dakong ala-1 ng hapon, naaresto naman si Charles Alexander Andal sa operasyong isinagawa sa Villa Del Carmen Subd., Brgy. Malabanban Norte.
Nakuhaan siya ng kabuuang 15.98 gramo o P325,992 halaga ng umano’y shabu, at P1,000 marked money.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.