Armored van sinuwag ng trak sa TPLEX, nahulog sa grassfire, naabo: 1 patay, 3 sugatan | Bandera

Armored van sinuwag ng trak sa TPLEX, nahulog sa grassfire, naabo: 1 patay, 3 sugatan

John Roson - March 11, 2020 - 03:54 PM

ISANG tao ang nasawi at tatlo pa ang nasugatan nang lamunin ng apoy armored van ng isang bangko matapos maitulak ng trak sa nasusunog na damuhan sa gilid ng Tarlac-Pangasinan-La Union Expressway (TPLEX), Martes ng hapon.

Di nakalabas at nasunog ang isa sa mga biktima sa loob ng armored van, na pag-aari ng United Coconut Planters Bank (UCPB), ayon sa ulat ng Pangasinan provincial police.

Dinala naman ang mga sugatang sakay ng van sa isang pagamutan sa Tarlac City para malunasan.

Naganap ang insidente dakong alas-3:40, sa southbound lane ng expressway.

Unang inulat na naganap ito sa bahagi ng expressway sa Brgy. San Isidro, Rosales, Pangasinan, pero napag-alaman na ang pinangyariha’y sakop ng Brgy. Villaflores, Cuyapo, Nueva Ecija, ani Maj. John Corpuz, hepe ng Rosales Police.

Sa inisyal na imbestigasyon, lumabas na nag-menor ang armored van ng UCPB nang mapansin ang makapal na usok na dulot ng “grassfire.”

Kasunod noo’y nasalpok ito ng Isuzu Giga truck (RJL-325) na dala ng isang Marnel Alunes, 28, ng Buguias, Benguet.

Dahil sa impact, nahulog ang van sa nasusunog na damuhan at doo’y nagliyab din, ayon sa ulat.

“Sunog na sunog ‘yung van at yung taong naiwan sa loob,” sabi ni Corpuz nang kapanayamin sa telepono ng BANDERA.

Ipinaubaya na sa pulisya ng Cuyapo ang pagkilala sa nasawi’t mga nasugatan, pati ang karagdagang imbestigasyon, nang kumpirmahin ng barangay officials na sakop ng naturang bayan ang pinangyarihan.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending