NANGANGAMBA si National Police chief Gen. Archie Gamboa para sa kanyang mga tauhan na naka-assign sa mga quarantine checkpoint.
Ito ay dahil sa kulang umano ang mga pulis sa protective gear and equipment habang sila ay nagi-screen ng mga tao sa checkpoint na posibleng carrier ng nakamamatay na coronavirus disease (COVID-19).
“Basically ‘yung protective gear ng PNP kasi kami ‘yung nasa frontline,” pahayag ni Gamboa sa isang panayam sa radio interview, nang tanungin hinggil sa mga kakulangan ng pulisya. Kulang din anya sila ng mga thermal guns na gagamitin sa pag-screen sa mga tao na papasok at lalabas ng Metro Manila.
“We’re doing everything within our agency na mag-provide ng protective gear kahit basic lang, ‘yung masks saka ‘yung gloves, but nandun pa rin ‘yung challenge, we have requested already from the Department of Health additional supplies.”
Sinabi ni Gamboa na magpapatuloy ang mga pulis sa pagmintina ng mga checkpoints sakabila ng mga kakulangan, at kahit sila ay nahaharap sa posibilidad na mahawa ng sakit.
“Hindi puwedeng rason na kulang kami sa gamit, hindi na kami magtatrabaho… We know the risk that we will undergo, alam namin kung ano ‘yung risk na haharapin nila, but nevertheless we have to do our job, whether it’s risky or not.”
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.