Sa gitna ng COVID-19 ceasefire.. NPA, Army nagbakbakan: 2 patay | Bandera

Sa gitna ng COVID-19 ceasefire.. NPA, Army nagbakbakan: 2 patay

John Roson - March 29, 2020 - 10:23 AM

ISANG kasapi ng New People’s Army at sundalo ang nasawi sa sagupaan sa Rodriguez, Rizal, Sabado ng hapon, sa gitna ng tigi-putukang pinaiiral sana ng gobyerno at mga rebeldeng komunista bilang pagtugon sa 2019-Coronavirus disease.

Ayon kay AFP chief Gen. Filemon Santos Jr., inatake ng mga rebelde ang mga kawal na nagsasagawa ng “community work” sa Sitio Malasya Uyungan, Brgy. Puray.

“We were able to repel the attack, which turns out to be the NPA’s futile attempt to project relevance and power… They were planning to celebrate their anniversary on March 29 with a bang.”

Base sa ulat ng Army 2nd Infantry Division, itinimbre ng mga residente sa kanilang community support program (CSP) team ang presensya ng mga rebelde at planong pag-atake sa mga kawal.

Aabot sa 30 rebelde ang nakasagupa ng 18 miyembro ng CSP team dakong alas-3, ayon sa ulat.

Bukod sa nasawing rebelde’t sundalo, may dalawa pang kawal na nasugatan sa bakbakan.

Narekober pa sa pinangyarihan ang isang M16 rifle, granada, rifle grenade, jungle pack, at mga dokumento.

Matatandaaan na noong Marso 19 ay sinimulang ipatupad ng gobyerno ang tigil-opensiba laban sa mga rebeldeng komunista, para ituon ng militar ang pansin sa pagpigil sa pagkalat ng COVID-19.

Noong Marso 24 ay inutos din ng Communist Party of the Philippines sa NPA ang sarili nitong tigil-opensiba, mula Marso 26 hanggang Abril 15.

Iginiit ni Maj. Gen. Arnulfo Marcelo Burgos Jr., commander ng Army 2nd ID, na sumusunod ang mga kawal sa ceasefire, pero nananatiling mapagmatyag laban sa mga posibleng pag-atake ng mga rebelde.

“We will adhere to the provisions of the unilateral ceasefire without prejudice to the safety and security of the people in our communities.”

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending