Ige Ramos Archives | Bandera

Ige Ramos Archives | Bandera

Uso pa ba ang Media Noche?

Magarbo ang pagsalubong sa Bagong Taon ng ilang mga Pinoy. Sa Media Noche, asahan nang nasa kanilang mesa ang ham, salad, manok, lechon, karne na may sarsa at iba-ibang klase ng prutas. Pero para sa karamihan sa atin, malamang ay matutulog na lang matapos ang putukan dahil wala namang ihahanda. Walang dapat ikahiya kung walang […]

Pinas bida sa food reality show

NOONG Nobyembre 17 ay nagsimulang ipalabas sa Asian Food Channel ang second season ng “Amazing Food Challenge: Fun in the Philippines” kung saan 10 kalahok mula sa iba’t ibang panig ng Asia at Australia ang magpapakitang-gilas sa pagluluto ng pagkaing Pilipino. Ang magwawagi ay makakatanggap ng $50,000 halaga ng cash at regalo. Bibigyan ng mga […]

Matamis na Pasko sa inyong lahat!

Nararamdaman mo na ba na medyo lumalamig na ang simoy ng hangin, ang mas matinding trapiko sa mga pangunahing lunsod, at ang tila pagkaaligaga ng mga tao sa pamimili ng regalo at panghanda? Isang buwan na lang ay sasapit na ang pinakaabang na pagdiriwang ng mga Pinoy. Kaya ang tanong ko, handa ka na ba […]

Glenda Rosales Barretto, Ina ng Makabagong Kulinaryang Pilipino

Noong 1975 ay binuksan ni Glenda ang kaunaunahang Via Mare Restaurant sa Makati na naging pamantayan sa mataas na antas at makabagong lutuing Pilipino sa bansa. Aktibo si Glenda sa mga kilusan ng gastronomiya sa loob at labas ng bansa at humawak siya ng  pangunahing posisyon sa mga samahan at kapisanang pangnegosyo. Kamakailan ay tumaggap […]

Pagkaing Pinoy, patok sa 2015

Isa ang pagkaing Pilipino sa 10 uri ng pagkain na inaasahang magdodomina at magbibigay ng kulay sa mundo ng pagkain sa darating na taon. Ang ibig sabihin, asahan na natin na ang mga pagkain at produkto na likas na Pinoy ay maisusulat sa menu ng mga restoran at makikita sa mga eskaparate sa US at […]

Flor de Calabasa

Noong aking kabataan sa Cavite, ang aming bahay ay napaliligiran ng hardin na may mayayabong na halaman. Magtapon ka lamang ng buto ng kahit anong prutas o gulay, tiyak na mabubuhay at lalago ito. Talagang pinagpala kami dahil sadyang mayaman ang aming lupa na hindi na kailangang lagyan ng pataba. Sa murang gulang ay nahilig […]

Adobo Blanco

Noong isang linggo ay nakatanggap ako ng text mula kay Fely Villamor ng Dumaguete City.  Tinanong niya kung paano magluto ng adobo. Fely, marami at iba’t ibang klase at paraan ng pagluto ng adobo. Kung sinusubaybayan mo ang Bandehado, nabahagi ko na ang mga resipi ng adobong pula, adobong dilaw at CCPA o ang classic […]

Buwan ng Kape

SABAY na ipinagdiriwang ngayong buwan ang Coffee Month at ang Indigenous Peoples Month.  Sadyang itinadhana ang mga kaganapang ito dahil nangunguna ang ating mga katutubo sa pagtanim, pag-aalaga at pag-aani ng kape. Lingid sa kaalaman ng nakakarami, 70 porsyento ng kape na itinatanim sa ating bansa ay nagmula sa mga kabundukan ng Mindanao. Sumusunod lamang […]

Pagkaing binalot sa kalinga at pagmamahal

Isa ang binalot sa mga kinagisnang paraan na pag-iimbak ng pagkain ng mga Pilipino. Karaniwan itong ginagawa upang hindi mahirapan sa pagbibitbit ng baon na pagkain. Susong-susong na sinalab na dahon ng saging ang ginagawang pambalot sa kanin na may kasamang ulam, karaniwan ay tapa, tocino, pritong isda o adobo na may kaunting salsa, at […]

Traditional Seafood Recipes From Mindanao

Fish and seafood have been part of the Filipino diet. As an island-nation, we take pride in the variety of what we can harvest from our seas.And because of it’s freshness, we would normally respect these produce by using traditional way of cooking like grilling (sugba) and curing (kinilaw). Here are some recipes that go […]

Pinakbet, Tinuom at Binas-oy

Mayaman ang Pilipinas sa mga katutubong gulay. Ngunit dahil sa modernong panahon at sa paglaganap ng fastfood, ito ay atin nang kinakalimutan. Ang mga sumusunod na mga resipe mula sa Luzon, Visayas at Mindanao ay ilan lamang na halimbawa kung gaano kayaman ang kulinaryang Pilipino. Bagamat payak, ito ay masustansya, masarap, mura at madaling lutuin. […]

What's trending