Glenda Rosales Barretto, Ina ng Makabagong Kulinaryang Pilipino
Noong 1975 ay binuksan ni Glenda ang kaunaunahang Via Mare Restaurant sa Makati na naging pamantayan sa mataas na antas at makabagong lutuing Pilipino sa bansa.
Aktibo si Glenda sa mga kilusan ng gastronomiya sa loob at labas ng bansa at humawak siya ng pangunahing posisyon sa mga samahan at kapisanang pangnegosyo.
Kamakailan ay tumaggap siya ng Kalakbay Hall of Fame Award for Restaurant Operations mula sa Department of Tourism. Isa lamang ito sa mga gantimpala at pagkilala na kanyang nakapit sa may 40 dekada niya sa industriya.
Kilala rin si Barreto sa pagiging manunulat ng mga best-selling cookbooks. Ilan sa mga ito ang ASEAN Seafood Cookbook, Flavors of the Philippines: A Culinary Guide to the Best of the Islands, Via mare: A Seafood Cookbook and Shipshape: A Seafarer’s Guide to Sensible Cooking, at Kulinarya: a Guidebook to Philippine Cuisine.
Kamakailan ay napili si Barreto bilang isa sa 31 pinakatanyag na chefs ng bansa na tampok sa kalulunsad lamang na aklat na pinamagatang “Luke Who’s Cooking: Cooking for a Cause 3” na nilimbag ng Women’s Board of St. Lukes Medical Center (WB-SLMC).
Ayon kay Tina de Guzman, ang pangulo ng WB-SLMC, ang kikitain ng cookbook ay itutustos sa mga kapus-palad na pasyente ng St. Luke’s Medical Center.
Ang “Luke Who’s Cooking” ay mabibili sa SLMC sa Bonifacio Global City.
Libreng cookbook
Bibigyan ko ng kopya ng “Luke Who’s Cooking” ang mga unang makakapag-text sa akin ng apat sa limang gulay na nasa larawan ng pabalat ng cookbook.
I-text lamang ang sagot, pangalan, edad, at kumpletong address sa 0917-586-1963. Mayroon kayo hanggang alas-5 ng Martes ng hapon upang mag-text ng inyong sagot. Aabangan ko ang mga sagot ninyo.
Kung may katanungan o mungkahi, mag text po lamang sa 09175861963.Huwag kalimutan ang pangalan at lugar.
Ensaladang Pako with Balayan Vinaigrette
Ni Glenda Rosales Barretto
ANG Bagoong Balayan ay isang uri ng bagoong na nagmula sa bayan ng Balayan sa lalawigan ng Batangas.
Ang kulay abong bagoong na ito ay gawa sa anchovy o dilis na nagmula sa mga baklad na matatagpuan sa babayin ng Balayan.
Ang sangsang at kakaibang lasa nito ay siyang nagbibigay kulay sa vinaigrette, isang uri ng panimpla ng mga Prances na ginagamit sa ensalada.
Dito ay pinagsama ni Chef Glenda ang estilo ng lutuing Pranses at sangkap ng Pilipino upang ipahiwatig sa buong daigdig na ang pagkaing Pilipino ay maaaring ihanay sa mga lutuing dayuhan.
Ingredients
1 kilogram fresh fiddlehead fern (pako)
3 tablespoons vinegar (suka)
1 gallon water (tubig)
3 salted duck eggs (itlog na maalat), peeled and cut into Wedges
200 grams tomatoes (kamatis)
75 grams white cheese, (kesong puti) crumbled (dinurog)
Shrimps, boiled (halabos a hipon) (optional)
Balayan Vinaigrette
20 grams bagoong balayaan (or to taste / ayon sa panlasa)
10 grams lemon juice (katas ng calamansi)
40 grams olive oil
Pinch of white pepper (pinong pamintang puti)
Procedure
Pick the tips of the ferns, about 4 inches from the top, and discard the tough stems. Combine vinegar and water, and wash ferns with the mixture. Spin dry or wrap in paper towels. When dry, arrange the ferns in a salad bowl and garnish with salted duck eggs, tomatoes and white cheese. mix all vinaigrette ingredients until well blended. drizzle generously over the salad before serving.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.