Ige Ramos Archives | Page 2 of 7 | Bandera

Ige Ramos Archives | Page 2 of 7 | Bandera

Tapas y Vino sa Madrid

Narito ako sa Madrid, ang kapital ng España. Ito ang aking ikapitong beses na pagbisita sa España at pangalawang pagkakataong pagbisita sa Madrid. Maliban sa Madrid ay wala nang iba pang lungsod sa Europa na ako’y lubos na napahanga. Dito ay nababalangkas ko ang mga yapak ng ating mga bayani, mula kay Juan Luna, kung […]

Halal

Hindi masyadong batid ng karamihan ng mga taga-Luzon ang kahalagahan ng Halal.Sa Metro Manila, tanging mga  kapatid nating Muslim lamang ang nakakakain ng pagkaing halal dahil bihira itong ipamahagi sa mga hindi Muslim. Pero mapalad ako dahil marami akong kaibigang Muslim, na nagpakilala sa akin kung ano ang tunay na diwa ng halal. Ano nga […]

Ang manok na masaya ay manok na masarap

Kamakailan ay nagkaroon ng kakulangan sa supply ng manok sa bansa. May isang kilalang fast-food chain na halos magsara ang kanilang sangay dahil sa kakulangan ng manok. Minsan ay tinatanong ko ang aking sarili kung anong klaseng manok ang kanilang ginagamit? Dahil karamihan  ng mga manok na inahahain ay pawang puno ng kemikal at antibiotic […]

Pilosopiya ng Slow Food

NAGING mata-gumpay ang katatapos na WOFEX, o World Food Expo, isa sa pinakamalaking pagtitipon ng mga kumpanya sa industriya ng kalakalan ng pagkain. Ito ay ginanap noong  nakaraang Agosto 6-9 sa SMX Convention Center at World Trade Center. Ito rin ang tahanan ng 2014 Philippine Culinary Cup, ang pinaka-prestihiyosong kompetisyon ng pagluluto sa Pilipinas, na […]

Bagong putahe ng Pinoy celebrity chef

Sarap ng pinagsanib na lasa ng Continental cuisine at kinagisnang lutuing Pilipino na may kakaibang estilo ang bubulaga sa iyo sa bagong restaurant na pinamamahalaan ni Chef Bruce Lim, ang Rustique Kitchen. Si Lim ay isang Fil-Am chef na sumikat sa mga cooking shows sa Asian Food Channel sa cable TV. Kasama ang may-ari ng […]

Maria Y. Orosa, bayani ng pagkaing Pilipino

Hindi matatawaran ang kontribusyon sa larangan ng pagpapayabong ng pagkain sa Pilipinas ni Maria Y. Orosa, ang nag-imbento ng banana ketchup. Bilang isang siyentipiko na may puso at pagmamahal sa bansa, determinado si Maria na linangin ang potensyal ng mga katutubong gulay at prutas upang maibsan ang kagutuman ng mga mamamayan. Gamit ang sampalok, santol, […]

Abokado o apple? Chesa o grapes? Saging na arnibal o pears?

Noong nakaraang Miyerkoles ay kabilang sa mga binayo ng bagyong Glenda ang Calabarzon. Isa sa mga nasalanta ang katimugang bahagi ng Cavite, partikular ang mga bayan ng Silang, Indang at Magallanes, kung saan nanggagaling ang karamihan ng mga bungang kahoy at prutas na ibinebenta sa mga palengke ng lalawigan. Binisita ko ang pamilihang bayan ng […]

Makabuluhang piging para sa ika-100 kaarawan ni Helena Benitez

Noong nakaraang Hunyo 23 ay dinagsa ng mga kapamilya at kaibigan ang Mira Nila, ang ancestral home ng mga Benitez sa Quezon City, upang ipagdiwang ang ika-100 taong kaarawan ni Helena Benitez. Sino si Helena Benitez?  Siya ay anak nina Dean Conrado Benitez ng Laguna, isa sa mga sumulat ng Saligang Batas noong 1935, at […]

Ang Panara ng Barrio Sineguelasan, Bacoor

Sa isang sulok ng Lungsod ng Bacoor ay matutunghayan pa rin ang mga kinagisnang lutuin na matatagpuan lamang sa mga masikip na eskinita at sa mga tahanan na pawang ang mga magkakapit-bahay lamang ang nakakaalam. Itinuturing ang Bacoor na isa sa mga progresibo at urbanisadong lungsod dahil ito ang kauna-unahang bayan ng lalawigan ng Cavite […]

Bagong putahe

Napakaabala ng linggong ito dahil sa dami ng mga kaganapan sa larangan ng pagkain. Isa rito ang paglulunsad ng “Country Cooking: Philippine Regional Cuisines,” isang koleksyon ng mga sanaysay na sinulat at nilipon ng mahigit sa 20 taon ng iginagalang at hinahangaang food writer na si Michaela Fénix. Si Fenix ay may regular food column […]

Balatong: ‘Black-gold’ ng San Mateo, Isabela

Noon, ang bayan ng San Mateo ay isang payak at simpleng barrio lamang. Unang binansagan itong Masarat, na isang barrio ng Cauayan at saka nalipat sa Santiago. Sa pagtatapos ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig, sa pamamagitan ng Presidential Executive Order No 97, itinatag ang bayan ng San Mateo noong Marso 17, 1946 ng Pangulong Sergio Osmeña. […]

Previous           Next
What's trending