Ige Ramos Archives | Page 3 of 7 | Bandera

Ige Ramos Archives | Page 3 of 7 | Bandera

Mga natatanging kakanin ng Isabela

Ano kaya ang mangyayari kapag nawala ang ating mga katutubong bigas? Paano pa kaya tayo makakagawa ng ating mga sinaunang kakanin? Ito ang mga tanong ni Chef Cocoy Ventura, na namalagi sa Estados Unidos nang matagal na panahon at naisipang umuwi ng Pilipinas upang magtayo ng mga negosyo na serbisyong pangkulinarya sa San Mateo, Isabela. […]

Jay ‘Venus’ Castañeda: Master Kusinero champion ng Isabela

Kagila-gilalas ang lutuin ng Isabela. Hindi ko inakala na sa isang malayong lugar sa hilagang-silangan ng Luzon ay may isang lalawigan na ang mga handog na pagkain ay hitik sa sangkap at sarap. Nakaluklok ang Isabela sa malawak na lambak ng Cagayan sa pagitan ng Sierra Madre sa silangan at Cordillera sa kanluran. Sa lambak […]

Si Aling Belen at ang kanyang pambatong longganisang-Isabela

GAYA ng adobo, may kanya-kanyang ipinagmamalaking longganisa ang bawat bayan sa Pilipinas. Nariyan ang longganisang-Lukban, longganisang-Imus, longganisang- Vigan at longganisang-Cebu. E, natikman mo na ba ang longganisa ng Cauayan, Isabela? Hindi magpapahuli sa sarap ang  longganisang ito na matatagpuan lamang sa tindahan ni Aling Belen sa pamilihang bayan ng Cauayan. Nagsimula ang negosyo ni Aling […]

Talaba, tahong, sise ng Marulas

Mula Dekada ‘60 hanggang sa katapusan ng Dekada ‘70 ay naging tanyag ang restaurant na 7 Sisters na matatagpuan sa palaisdaan at talabahan ng Barrio Marulas, Kawit, Cavite. Dinadayo ito ng mga artista, politiko at mga negosyante mula sa Maynila dahil sa sarap ng alay nilang pagkain. Dito sumikat ang mga putahe na tulad ng […]

Ang huling irasan ng Sta. Isabel

Malapit nang maglaho ang mga irasan o pagawaan ng asin sa baybayin ng Manila Bay. Noong araw, kapag ikaw ay bumabaybay sa lumang daanan ng Cavite patungong Maynila, makikita mo ang lawak ng mga irasan sa Noveleta, Kawit at Bacoor sa Cavite hanggang Las Piñas at Parañaque, Isa sa mga kilalang irasan noon ay matatagpuan […]

Gorgorya at ang kabayanihan ng 20 kababaihan ng Malolos

Isa sa mahahalagang yugto ng ating kasaysayan na hindi dapat kaligtaan ay ang ginawang pagpupursige ng 20 kababaihan ng Malolos, Bulacan na magkaroon ng paaralan para sa kanila noong panahon ng Kastila. Maging ang bayaning si Jose Rizal ay binigyang parangal ang mga kababaihan ng Malolos sa ginawa nilang mungkahi kay Gobernador-Heneral Valeriano Weyler na […]

Piging sa Bahay ni Diko

Matatagpuan sa pusod ng Kamistisuhan, Malolos, Bulacan ang karangyaan ng Bautista Mansion.  Bilang bahagi ng Malolos Food Tour  noong nakaraang Abril 9 ay binisita ng mga kasapi ng Culinary Historians of the Philippines (CHOP) ang tahanan ni Dez Bautista, kilala sa Malolos bilang Diko (nakakatandang kuya) at bantog na production designer ng pelikulang Pilipino. Ang […]

Ambuyat, pamanang lutuin ng Brunei

Malalim ang kaugnayan ng Pilipinas sa mga karatig-bansa nito sa Timog-Silangang Asya, tulad ng Indonesia, Malaysia at Brunei, hindi lamang sa lengwahe kundi maging sa pagkain. Ito ang aking nadiskubre nang bumisita ako kamakailan sa Brunei. Sa airport pa lamang ay may bumungad na sa akin na mga salitang Malay na sa unang dinig at […]

Hamon ng Bulakan, Pamanang Kaluto ni Ka Mila Enriquez

Alam ba ninyo na sa Bulacan ay may biskwit na sinasangkapan ng dahon at tinatawag na gorgorya, ang kanilang hamon ay pinaplantsa at ang kanilang empanada ay may kaliskis? Ilan lamang iyan sa mga natatanging lutuin na alay ng bayan ng Bulacan na aming natuklasan nang kami ay nagliwaliw kasama ang pamunuan, mga kasapi at […]

Bibingkoy, gulaman sa gata, bacalao at iba pang mga alaala ng Kuwaresma

Ibinabalik ako tuwina ng Semana Santa sa aking kabataan. Noong panahon na guni-guni pa lamang ang Facebook, Twitter at cable TV, ang Kuwaresma ay isang mahabang paglalamay, pag-aayuno, at pagbabasa ng Pasyong Mahal. At kung talagang magpakabait kami, ang gantimpala ay meryendang bibingkoy, isang uri ng bibingka na may minatamis na monggo sa loob at […]

Tara na sa Downtown!

Tanungin mo ang isang taga-Pampanga kung ano ang ipinagmamalaki ng kanilang probinsya at tiyak ang isasagot niya sa iyo ay ang kanilang masasarap na putahe. Tiyak, maging ikaw ay kinagigiliwan ang kanilang estilo ng pagluluto–lutong-bahay man ito o tradisyunal o imbento. Kaya di kataka-taka na marami sa mga pinagpipitaganang kusinero at celebrity chefs ng bansa […]

Previous           Next
What's trending