Mayaman ang Pilipinas sa mga katutubong gulay. Ngunit dahil sa modernong panahon at sa paglaganap ng fastfood, ito ay atin nang kinakalimutan.
Ang mga sumusunod na mga resipe mula sa Luzon, Visayas at Mindanao ay ilan lamang na halimbawa kung gaano kayaman ang kulinaryang Pilipino.
Bagamat payak, ito ay masustansya, masarap, mura at madaling lutuin.
Pinakbet na may bagoong mula sa Carmen, Rosales
Ang mga pinaghalu-halong gulay sa tradisyunal na pinakbet ay sumasalamin sa yaman ng mga halaman na maaaring anihin mula sa hardin ng tahanang Pilipino.
Kinaugaliang ginagamit na sangkap dito ay talong, ampalaya at okra, sitaw at sigarilyas, at kung minsan ay kamote, na nagdadagdag ng tamis na pambalanse ng alat ng bagoong at pait ng ampalaya.
Ang prinitong liempo ng baboy ay magdaragdag din ng yaman at linamnam na kasabay ng bagoong na isda, ay espesyalidad ng bayan ng Carmen sa Rosales, Pangasinan.
Gayunpaman, di sang-ayon ang mga matatandang Ilokano at Panggalatok sa paggamit ng bagoong alamang at ang paggamit ng kalabasa bilang sangkap ay ginagawa lamang ng mga Tagalog.
Ang resiping ito ay ambag ni Sandra Estrella, may bahay ni Rep. Conrado M. Estrella III ng ABONO Party-list.
Ingredients
Cooking oil
1 cup cubed pork liempo
1 clove garlic, minced
1-inch piece of ginger, minced
1 small onion, sliced
4 tomatoes, sliced
2-3 tablespoons Carmen Rosales bagoong isda
1 cup water
1 medium ampalaya, quartered
5 okra, halved on the bias
3 talong, sliced
Procedure
Heat oil in a wok or kawali and fry liempo until golden brown, then set aside.
In the same pan, quickly stir-fry garlic, ginger, onions and tomatoes, then add bagoong and water, and bring to a boil. Reduce heat and add liempo, ampalaya and okra.
Simmer for a few minutes, then add eggplants and tomatoes.
Continue simmering until vegetables are tender.
Serve with steamed rice and fried fish.
Tinuom na Uhong ng Iloilo
Ang mga sangkap na gamit sa lutuing ito ay madaling mahanap sa mga likod bahay at hardin ng mga Ilonggo. Ang putaheng ito, bukod sa masustansya, ay niluluto sa tradisyonal na paraan tulad ng tinuom, na sa salitang Ilonggo ang ibig sabihin ay binalot at sugba na ang ibig sabihin ay inihaw.
Bagay ito sa mga vegetarian. Ang maaninag na asim na lasa ay nagmumula sa katutubong dahon na kamag-anak ng gumamela, na ang tawag ay labog na kilala bilang sabnit o sapinit sa Tagalog.
Kung walang mahahanap na labog, maaaring gumamit ng sariwang kamatis upang ipanghalili. Ang resiping ito ay mula kay Yvonne Angeli Lee Tupas, maybahay ni Rep. Niel C. Tupas Jr. ng 5th District, Iloilo.
Ingredients
20 banana leaves, cut into 8.5 x 11 inches sheets
1 kilogram uhong (oyster mushrooms)
4 onions, chopped coarsely
1 bunch spring onions, chopped
1 cup chopped labog leaves or chopped tomatoes for souring
Salt and pepper
Procedure
Divide all ingredients into 10 equal portions. For each packet, layer 2 banana leaves and place one portion of mushrooms on top. Add onions, spring onions and labog leaves or tomatoes. Season with salt and pepper to taste.
Fold leaves into a square packet to encase the mushroom mixture and tie with kitchen twine. Repeat with remaining leaves and ingredients.
Lay packets over hot coals and grill for 5 to 7 minutes, or until steam begins to emanate from packets. Remove from heat, unwrap and serve hot.
Enjoy on its own or served over rice.
Binas Oy ng Lanao del Norte
Halo-halong gulay sa sopas ang pinakamahusay na paglalarawan sa Binas Oy. Ang popular na ulam na ito na nagmula sa Lanao del Norte ay kilala rin bilang Utan Bisaya sa Cebuano.
Ang sabaw nito ay maihahambing sa tinola ng mga Tagalog. Ang sikreto sa ulam na ito ay ang paggamit ng sariwang luya at murang sibuyas na nagbibigay ng halimuyak at pinong panlasa.
Ngunit para sa isang pang higit na linamnam, ang mga taga-Lanao ay nagdadagdag ng subak, isang uri ng pritong isda. Ang resiping ito ay mula sa dating Congresswoman Fatima Aliah Dimaporo at Rep. Imelda Dimaporo, 1st District, Lanao del Norte.
Ingredients
4 small fish, like galunggong or kutob (kalapato in Tagalog)
3 tomatoes
1 teaspoon salt
1 tablespoon minced ginger
2 tablespoons cooking oil
1 bunch spring onions, green and white parts divided and chopped
6 cups water
2 cups cubed kalabasa
6 okra, sliced
1 cup sliced talong
1 cup alugbati (Malabar spinach)
1 and 1/2 cups malunggay leaves, or more as desired
Salt
Procedure
Lightly salt and fry the fish, then set aside.
Crush tomatoes by hand over a bowl, then place in the bowl with the squeezed juice. Sprinkle with salt and ginger, and mix well. Heat oil in a large pot and sauté white parts of spring onions and crushed tomatoes until fragrant.
Pour in water and bring to a boil. Add kalabasa and boil for 5 to 7 minutes, or until they start to turn tender.
Reduce heat to a simmer, add okra and talong, and cook for a few minutes, taking care not to overcook the vegetables.
Add alugbati, followed by malunggay leaves last, and immediately turn off the heat.
Add fried fish to the broth, season with salt to taste, and sprinkle with reserved green parts of the spring onions.
Ang mga resiping ito ay makikita sa bagong cookbook, Salu-salo, A Celebration of Philippine Culinary Treasures. Nilimbag ng Congressional Spouse Foundation, Inc., sa pamumuno ni Vice Mayor Joy Belmonte at Mons Romulo bilang Editor.
Kung may katanungan o mungkahi, mag text po lamang sa 09175861963. Huwag kalimutan ang pangalan at lugar.
( Photo credit to Stanley Ong )
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.